Banat ni Direk Antoinette sa mga pirata: Kung kailan tayo naghihingalo lalo pang pinapatay…

SISIGURUHIN ng mga producer na may entry sa Metro Manila Film Festival 2020 na mapaparusahan ang mga sindikatong namimirata ng kanilang mga pelikula.

Ayon kay Antoinette Jadaone, producer at direktor ng “Fan Girl” na sinasabing unang biktima ng piracy sa isinasagawa ngayong filmfest (through digital and online), hinahanting na ngayon ang “nagnanakaw” ng kanilang mga pelikula.

“Actually hindi lang Fan Girl yung nag-usap, all the producers of the films included in the Metro Manila Film Festival.

“Fan Girl yung pinakaapektado pero halos lahat apektado ng piracy and we have been talking with Upstream and MMFF and this week they will be very busy with filing of whatever.

“We just have to meet again para mas maayos yung proseso. Pero definitely there will be very real consequences for the pirates and those who support it,” paliwanag ni Direk Tonette sa panayam ng ABS-CBN.

Paliwanag pa niya, “I think you can’t screenshot and you can’t screen record through Upstream just like in Netflix. But these pirates and thieves are really finding a way to record the film without permission.

“That’s why we’re really on the producers nagsama-sama to finally do something about it. Kasi for the longest time hindi natin na-se-seryoso pero piracy is always illegal, always bad.

“Pero it’s even worse when it’s happening during a pandemic na naghihingalo yung industriya natin. Tapos kung kelan tayo naghihingalo tatapakan pa lalo.

“Lalong mamamatay yung industriya natin. Kaya ngayon mas seryosohin natin ang paghuli sa mga pirata,” ang pahayag pa ng direktor.

Isa pa sa talagang nagpaangat sa “Fan Girl” ay ang kumalat na screenshots mula sa isang eksena ni Paulo sa movie kung saan nag-hello ang private part ng aktor. Talagang nag-viral ito sa social media sa unang araw pa lang ng MMFF 2020.

“Ang isang magandang bagay du’n, when they see those photos and they decide to watch the film because of those photos, parang they came for Paulo’s eme (frontal) but they stayed for the whole man.

“So parang they think it’s all about that private thing but it’s actually parang a small part of a whole of the film,” paliwanag ni Direk Tonette na siyang nagwaging best director sa MMFF Gabi Ng Parangal.

Ang lead stars naman ng “Fan Girl” na sina Paulo at Charlie Dizon ang nanalong best actor at best actress habang itinanghal ding best picture ang kanilang entry.

Read more...