ITINUTURING na napakalaking blessing at bonggang regalo ngayong holiday season ni Shaina Magdayao ang napanalunang award sa katatalos lang na Metro Manila Film Festival 2020 Gabi Ng Parangal.
Si Shaina ang nagwaging Best Supporting Actress sa MMFF ngayomg taon para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Tagpuan.”
Sa kanyang social media account, ibinahagi ng dalaga ang abot-langit na pasasalamat sa lahat ng taong bumubuo sa MMFF at sa mga sumuporta sa kanilang entry.
“I was at our family dinner when my phone started going crazy. I would like to first thank (MMFF) for recognizing my work.
“Salamat din for not postponing this annual Filipino tradition given the current situation of our world,” ani Shaina.
“Above all, Lord, marami pong salamat! I am humbled with this recognition and your endless grace and generosity! Thank you for this yearend gift. Everything I do is for You and Your Glory.
“I pray with all my heart, that you continue to guide me as I serve you through this mission I call my ‘job.’ What a beautiful yearend surprise, Lord!” pahayag pa ng award-winning actress.
Kamakailan, nakachikahan namin si Shaina sa unang episode ng aming online show na “Showbiz Plus” sa official page ng Bandera kasama ang aking friendship na si Izel Abanilla.
Inamin ng aktres na single pa rin hanggang ngayon pero kahit zero ang lovelife masaya at kuntento naman siya sa kanyang buhay at career.
Sa kabila nga kasi ng pandemya at pagpapasara sa ABS-CBN ay hindi siya nawawalan ng trabaho.
Bukod sa patuloy na paggawa ng pelikula, kasama pa rin siya sa longest-running action series ngayon sa telebisyon na “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
Sey ni Shaina, “Baka ito muna ang gustong ipagawa sa akin ni Lord, kaya dito muna tayo. Ako naman kasi, pagdating sa lovelife, naniniwala ako na kung meron talagang isang tao para sa yo, darating at darating siya.”
Ang huling lalaking na-link kay Shaina ay si Piolo Pascual pero mukhang hindi na nga umakyat sa next level ang kanilang special friendship.