#SanaAll: Kathryn ibinandera ang designer bag collection, super favorite ang regalo ni Daniel

NAPA-HASHTAG #SanaAll na naman ang mga netizens nang makita ang designer bag collection ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Sa latest vlog ng dalaga, nabanggit niya na ilan sa mga favorite niyang bag mula sa kanyang bonggang koleksyon ay regalo ni Daniel Padilla.

Sey ni Kath, isa talaga sa mga qualities ng kanyang boyfriend na gustung-gusto niya ay ang pagiging thoughtful nito, hindi lang sa pagbibigay ng mamahaling regalo kundi maging sa simpleng mga bagay lang.

Isa-isa ngang ipinakita ni Kath sa bagong video niya sa YouTube ang  kanyang favorite designer bags, kabilang na nga ang mga ibinigay sa kanya ni DJ na talaga namang libu-libo ang halaga.

“Pumili ako ng ilan sa mga bags na usually ginagamit ko na may sentimental value sa akin.

“More than shoes, nag-invest ako sa bags kasi mas nagagamit ko siya when I’m traveling. Once in a while, I treat myself with bags kapag feeling ko deserve ko siya or like for may birthday or Christmas so once in a while lang naman,” pahayag ni Kathryn.

Sey pa ng aktres, lahat daw ng meron siya ngayon ay talagang pinaghirapan at pinagtrabahuan niya. Masarap daw yung feeling na nabili mo ang isang bagay na gustung-gusto mo mula sa perang pinagpaguran mo.

“Hindi naman every time na may gusto ako nakukuha ko lang siya in a just a snap. I have to work hard for it and I have to ask my mom kung okay ba sa kanya, dapat good mood siya,” paliwanag ni Kath.

“Very practical din ako when it comes to bags,” aniya pa.

Isa nga sa ibinandera niya sa kanyang vlog ay ang Louis Vuitton Speedy Cube na regalo ni DJ na may price tag na P110,000 nang una itong inilabas taong 2013.

“Hindi ko nga ito masyado nagagamit because of the color, but this is very special kasi bigay sa akin ito ni DJ nu’ng nag-i-start pa lang siya.

“Kasi favorite ko nu’n, color yellow. Tapos binigyan niya ako nito, alam mo yun, nagsisimula pa lang siya tapos naalala niya na favorite ko yung color yellow,” sey ng dalaga.

Noong mag-birthday siya taong 2018 niregaluhan uli siya ni Daniel ng Louis Vuitton Petite Malle bag na siyang pinaka-favorite niya ngayon. Base sa official website ng nasabing brand, nasa P265,000 ang halaga nito.

“I love this kasi ang ganda-ganda ng design niya. For me, it’s very classy. It’s very small. As in, ang nalalagay ko lang dito, a phone, a lipstick, and a mirror.

“Pero kino-complete niya kasi yung look. Yung iba, ginagamit siya as a clutch, pero ako, ginagamit ko siya as a small bag. Wala pa ring nakakapalit diyan. Iyan pa rin yung pinaka-favorite ko,” chika pa ni Kathryn.

Binigyan din siya ng nanay ni DJ na si Karla ng Rainbow Chanel Boy bag na nagkakahalaga ng mahigit P205,000, “Ito yung Christmas gift sa akin ni Tita Karla. Super cute niya kasi hindi ako usually bumibili ng makulay na bags kasi feeling ko ang hirap niya ternohan.

“But this one, mukha siyang unicorn. And it’s super small. Talagang super special siya kasi bigay nga ni Maddie and Tita Karla. And ang cute niya, mukha siyang cotton candy,” kuwento pa ng dalaga.

Read more...