Hayden-Vicki 15 years nang magdyowa, nag-celebrate sa Kenya; Scarlet may dasal para sa 2021

DOUBLE celebration ang pasabog ng celebrity couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho sa pagpunta nila sa Kenya (Eastern Africa) kasama ang nag-iisa nilang anak na si Scarlet Snow Belo.

Doon nila sa sasalubungin ang Bagong Taon kasabay ng pagse-celebrate nila (belated) ng kanilang 15th anniversary bilang partners in life.

Makalipas nga ang halos 10 buwang pananatili lamang sa kanilang bahay dulot ng COVID-19 pandemic, nagdesisyon sina Vicki at Hayden na mangibang-bansa with their only daughter kasama ang iba pa nilang malalapit na kaibigan.

Sa ilang litratong ipinost nina Vicki at Hayden, pati na rin ni Scarlet, kitang-kina na talagang ine-enjoy nila ang bawat tourist spot lalo na ang napakagandang wildlife sa Kenya.

Sa isa ngang Instagram video ni  Scarlet, makikita kung gaano siya kasaya habang pinagmamasdan ang mga wild animal sa kanyang paligid.

“Hi, peoples. Even the animals here in Masai Mara are having a reunion for the New Year. I know we can’t gather together yet but we can all call each other, right?” sey ng bagets.

Kasunod nito, nagbigay din ang bagets ng mensahe ng pag-asa para sa lahat ng kanyang mga IG followers habang pinaglalaruan ang hawak na rltelescope.

Pahayag ni Scarlet, “2021 is coming closer and closer (I can already see it through my telescope!) I know it’s going to be better because people like us will be kinder and more prayerful. Do you agree? #KenyaHandle2021?”

Samantala, sa mga litrato namang ibinahagi ni Hayden sa IG makikita ang ilang bonggang lugar sa Kenya na binisita nila.

Sabi nga ng ilang netizens, parang mga postcards daw ang pictorial ng mag-asawa para sa kanilang 15th anniversary.

Ani Hayden sa caption, “After 15 years of being together the fire continues to grow. I love you, @victoria_belo.”

Ito naman ang mensahe ni Vicki sa anibersaryo nila ng asawa, “As they say, be with someone who is both home and an adventure all at once. Grateful for you everyday, @dochayden.”

Aniya pa sa isang post, “Being surrounded with nature and this beautiful scenery truly brings out loving feelings for each other.”

Read more...