I-text kay Madam Sophia (August 28, 2013)

Mula kay  Jasmin ng …3133, Bacoor, Cavite. November 6, 1981 ang birthday ko at September 3, 1971 naman ang mister ko, sampong taon na kami nagsasama pero wala paring anak, kailan kaya kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday nyong November 6, 1981 at September 3, 1971, naman ang iyong asawa, sa taong 2014 hanggang 2015, magkaka-anak na kayo ng isang malusog at cute na babaing sanggol.
>>>
Mula kay Rozz ng …5604, ng Mactan Cebu. Ako po ay isang babae, na isinilang nuong March 30, 1984. Mahilig po ako sa lalaking 30 years old and above. Ask ko lang kung sino-sino po ba ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong March 30, 1984, ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Leo, Sagittarius, Libra, Scorpio at kapwa mo Aries, higit lalo silang may birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.

Read more...