Skyway Stage 3 bubuksan na ngayong araw

Mula sa Facebook page ni DPWH Secretary Mark Villar

 

Magkakaroon ng partial opening ang Skyway Stage 3 project ngayong Martes, Disyembre 29.

Inanunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) President at COO Ramon S. Ang na bubuksan na sa mga motorista ang apat na linya ng kalsada.

Ang lahat ng pitong linya nito ay nakatakda namang buksan sa Enero 14.

Snabi ni Ang na sa pagbubukas ng Skyway, libre itong magagamit ng mga motorista sa loob ng isang buwan.

“I am pleased to announce the partial opening tomorrow, December 29, of our 18-kilometer Skyway Stage 3, for free to motorists for one month. By January 14, we can all enjoy the full benefits of this engineering marvel,” ayon kay Ang.

Sinabi ni Ang na sa kabila ng mga nagdaang pag-ulan ay naging tuluy-tuloy ang pagtapos sa proyekto para maisakatuparan ang partial opening nito.

Pinasalamatan din ni Ang si Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng gabinete sa suporta para maisakatuparan ang Skyway Stage 3 Project.

Nakakunekta ang bagong tollway sa Skyway Stage 2 sa Buendia, Makati City.

 

Read more...