TULAD ng inaasahan ng mga sumusubaybay sa “Pinoy Big Brother Connect”, natsugi agad sa Bahay Ni Kuya ang kontrobersyal housemate na si Justin Dizon.
Siya ang kauna-unahang evictee sa pinakabagong edisyon ng PBB na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at sa napakaraming digital platforms ng ABS-CBN.
Sa naganap ngang first eviction night, in-announce ang resulta ng botohan kung saan nakakuha si Justin ng -2 percent ng kabuuang boto, ibig sabihin mas marami siyang nakuhang “Votes to Evict” kesa “Votes to Save.”
Mukhang tanggap naman ni Justin ang naging kapalaran niya sa PBB lalo pa’t aminado siya na may mga nagawa siyang kasalanan at ilang sablay sa loob ng PBB house.
Nang hingan siya ng “PBB” host na si Toni Gonzaga ng mensahe para sa lahat ng nagmamahal at sumuporta sa kanya, ito ang sagot ng binata, “Despite what transpired in the house, I just want to say that I kept it real because in the first place, I came here to be me.
“I came here to be honest. But of course I am not everyone’s cup of tea but that’s okay,” aniya pa.
“Pero ang importante, nagpakatotoo ako. At babaunin ko lahat ng natutunan ko kay Kuya pati sa housemates ko even in the outside world,” lahad ni Justin.
Kung matatandaan, umingay bigla ang pangalan ng binata nang mag-viral ang isang video kung saan mapapanood ang pang-ookray niya sa kapwa housemate na si Jie-Ann Armero.
Tinuksu-tukso kasi ni Justin ang dalagita tungkol sa hindi nito pagligo araw-araw sa kanilang probinsya. Sabi naman ni Jie-Ann sa mga housemates, “Pasensya na kayo kasi minsan lang ako naliligo. Yun nga dahil wala kaming tubig nasanay ako.”
Talagang na-bash nang bonggang-bongga si Justin sa ginawa niya kay Jie-Ann. Pagkatapos nito, nag-sorry agad ang binata sa kanyang “insensitive remark”.
“I want to say sorry for saying those jokes to you because, like, they are insensitive. Hindi ko naisip initially, your background and my background, how different they are. So ‘yun nga I’ll try my best to be more sensitive to how you feel,” sey nito.
“I really lacked understanding also na we don’t live in the same house. If ever you felt offended with those jokes I wanna say sorry for them kasi ‘yun nga I forgot to realize iba tayo,” sabi pa ni Justin.
Sabi naman niya kay Big Brother, “There was a very quick introspection on my part na parang, ‘Oh yeah Justin, you didn’t even think about that.
“It is still a responsibility to accept your mistake and learn something about it, apologize and you know magkaroon ka ng character development or something like that,” sey pa ni Justin kay Kuya.