2021 pasabog ni Kris: mamimigay uli ng ayuda sa 100 Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

ILANG beses nang na-bed rest si Kris Aquino nitong mga nakaraang linggo dahil sa karamdaman niyang pabalik-balik.

Kahit na anong payo ng doktor na huwag magtrabaho para manumbalik ang lakas ay hindi ito sinusunod ni Kris dahil kapag nakaramdam na siya na okay na ay raratsada na ulit.

Kasi naman kahit na maysakit si Kris ay marami pa ring produktong nagtitiwala sa kanya at handang maghintay kung kailan bubuti ang pakiramdam niya.

Kaya in return ay ipinakikita ng Queen of Social Media na tatapusin niya lahat ang webisodes niya hangga’t kaya niya at dahil maraming blessings na dumating sa kanya ngayong 2020 kahit sa panahon ng COVID-19 pandemic ay isini-share niya ito sa lahat ng mga nangangailangan lalo na noong na-lockdown sila sa Puerto Galera simula noong Marso tumagal hanggang Mayo.

At ngayong Kapaskuhan ay hindi nalimutan ni Kris na mag-share sa friends niya sa media na apektado rin ang kabuhayan dahil sa pandemya. Muli, may pangako si Kris sa mga kababayang nawalan ng trabaho.

Nag-post si Kris ng video na nakasakay ang mga anak sa golf cart na nasa Tarlac at ang caption, “The day after Christmas.

“Alam kong sobrang swerte ako because I have the capacity to give my sons the gifts they were wishing for.

“Now, this is my wish — na makatulong sa inyong makabangon, most especially ‘yung mga na retrench sa trabaho.

“My mom by her example taught me: kung mag-isa ka lang na aangat, mas madali kang babagsak kasi wala kang natulungan para patibayin ka o saluhin ka sa oras na ikaw naman ang nangailangan.

“Nagpa compute po ako, ang weekly minimum wage is P2685, It’s my wish to give people hope that they still have a chance to find a new job, a new opportunity.

“My team will be resting but on January 3, we’ll announce the 50 of you who will be chosen from IG & FB to receive the P2685 from me.

“On January 25, my mom’s birthday, another 50 of you will receive P2685.

“It’s my way of expressing my love for all of you, my followers, and my feeling of being responsible to do what I can para tulungan ang (Pilipinas) na makabangon. LABAN NATIN ‘to at maaasahan n’yo ko.

“Let’s have a healthier, kinder, and more compassionate 2021! #lovelovelove.”

Nakakatuwa si Kris dahil all year round siyang namamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan kaya naman marami pa ring nagmamahal sa kanya at hindi siya iniiwan kahit ano pa ang mangyari.

Read more...