Bwelta ni Janella sa nanglait sa katawan niya: Filipinos are the worst body shamers

SINUPALPAL ng Kapamilya actress na si Janella Salvador ang mga bashers na nanglalait at nang-ookray sa kanyang katawan.
Kaliwa’t kanan kasi ang natanggap niyang mga kanegahang komento nang mag-post siya ng video sa kanyang Instagram account kahapon.

Mapapanood sa nasabing clip ang sweet moments nila together ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson na kuha sa isang lugar sa England kung saan nagbabakasyon ngayon ang dalaga kasama ang kanyang pamilya.

Sa England nakatira ang pamilya ni Markus at ayon nga sa mga naglabasang chika nitong mga nakaraang buwan, doon isinilang ni Janella ang umano’y panganay na anak nila ng aktor.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kinukumpirma ng dalawa pero hindi rin nila idinedenay. Kaya until now ay wala pa ring linaw ang tungkol sa balitang pagbubuntis at panganganak ng aktres.

Going back sa pambu-bully kay Janella nang dahil sa ipinost niyang video kung saan makikita ngang nagyayakapan at todo-harutan sila ni Markus with matching sunset sa kanilang background.

Bukod dito, may pagkakataon pang hinahalikan ni Markus sa noo at sa lips ang aktres na ikinakilig naman ng kanilang fans and socmed supporters.

Inilagay ni Janella sa caption na ipinagdiwang niya ngayong 2020 ang isang “extra special Christmas of many firsts.” Patunay lamang ito na talagang super happy ang aktres sa piling ng kanyang boyfriend.

Pero kung may mga kinilig sa video ng dalawa, may mga namintas din sa katawan ni Janella. Ilang netizens ang tumawag sa kanya ng “chubs” (read: chubby), “malusog,” at “mataba”.

Sey naman ng isa niyang follower, mukhang “nahiyang” nga raw siya sa England kaya medyo nadagdagan ang kanyang timbang. May nagkomento rin na magaling daw mag-alaga ng dyowa si Markus kaya tumaba ang dalaga.
Hindi sinagot ni Janella ang mga comments ng netizen sa kanyang IG post pero sa Twitter siya nagpahayag ng kanyang sama ng loob sa mga nanglalait sa kanyang itsura.
“Filipinos are the worst body shamers. Let me enjoy my christmas pudding in peace.

“Happy holidays to you too! [face with tears of joy emoji],” tweet ng aktres.

 

 

Read more...