Anak nina Bong at Lani na si Gianna engaged na rin sa dyowang musician-businessman

MUKHANG may ikakasal na namang anak sina Sen. Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado pagsapit ng 2021.

Ang isa pa kasi nilang anak na si Gianna Revilla ay engaged na nitong nagdaang Pasko sa kanyang boyfriend na si Jed Patricio, isang businessman, part-time musikero at real estate broker.

Siyam na taon nang magkasintahan sina Jed at Gianna at base sa mga Instagram posts nila ay maraming lugar na silang napuntahan lalo na sa ibang bansa at pareho na ring nasa tamang edad para bumuo ng sariling pamilya.

Ang caption ni Gianna sa mga larawang ipinost niya sa Instagram na kuha nang mag-propose sa kanya si Jed, “BEST CHRISTMAS GIFT EVER. Words cannot express how happy I am! I’m thrilled for what God has prepared for us baby. I will love you forever, through thick and thin (emoji diamond ring).”

Sa bahay naman nina Sen. Bong at Mayor Lani ginanap ang marriage proposal base na rin sa larawang ipinost ng huli sa kanyang IG account.

Ang caption na nakalagay dito ay, “Dec.25, 2020 the proposal day of @jedpatricio_ and @giannarevilla. It has been 9 yrs and now both of you decided to take it to the next level. Congrats mga anak! Prayers for both of you. We love you both!”

Sa kasalukuyan ay nananatiling binata at wala kaming alam na may nobya ang panganay nina Bong at Lani na si Bryan Revilla.

Si Cavite Vice Governor Jolo Revilla naman ay isang taon nang kasal kay Angelica Alita.

Read more...