Andrea pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo; handa nang salubungin ang 2021 | Bandera

Andrea pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo; handa nang salubungin ang 2021

Ervin Santiago - December 27, 2020 - 03:27 PM

ILANG araw bago magpaalam ang taong 2020, pinainit muli ng Kapuso actress na si Andrea Torres ang social media dahil sa kanyang pasabog na bikini photo.

Maraming challenges sa buhay ang hinarap at nilabanan ni Andrea ngayong taon kabilang na riyan ang biglang paghihiwalay nila ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay na talagang pinag-usapan nang husto sa mundo ng showbiz.

Inakala kasi ng marami na sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon dahil palagi nga nilang sinasabi sa mga interview sa kanila na handa na silang i-level up ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit tulad nga ng sabi sa kanta, mukhang pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana. Kaya naman walang choice sina Andrea at Derek kundi iwan na ang nakaraan at mag-move on na para sa future.

At para patunayan na handa na niyang harapin ang mga bagong hamon ng buhay sa pagpasok ng 2021, ilang sexy photos ang ibinandera niya sa social media na tila nais ipagsigawan kay Derek ang mga katagang, “Ito ang babaeng pinakawalan at sinayang mo.”

Sa Instagram page ng Kapuso actress makikita ang napakaseksing dalaga suot ang kanyang violet two-piece bikini na may caption na, “Gearing up for 2021.”

Bukod dito, may ipinost din siyang video sa IG na naglalaman ng BTS o behind-the-scenes clips mula sa ginawa niyang photoshoot. Makikita rito ang ginawa niyang preparasyon bago sumalang sa pictorial.

Sunud-sunod naman ang comments ng kanyang IG followers sa paandar niyang bikini photo kabilang na riyan ang mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Rochelle Pangilinan at Max Collins.

Comment ni Max, “She’s baaaaaack!!!”

Hirit naman ni Rochelle, “Ayan na syaaaaaa!!!!”

Samantala, minalas man sa pag-ibig, swerte pa rin si Andrea dahil pagpasok pa lang ng 2021 ay may bagong projects agad siya sa GMA 7, isa na riyan ang pinag-uusapan na ngayong drama series na “Legal Wives” kasama Alice Dixson, Bianca Umali at Dennis Trillo.

“I’m very happy sa naging experience ko doon (taping ng serye). Talagang ang daming bagay na dapat ko ipagpasalamat.

“At least po mag-e-end ‘yung year nang may trabaho ako at mag-i-start ‘yung year na mayroon din akong paglalaanan ng atensyon. Ito naman talaga ‘yung love na love ko talaga (acting),” anang dalaga.

Kung matatandaan, last month lang nang kumpirmahin nina Derek at Andrea na nag-break na sila. Ayon kay Derek walang third party involved kasabay ng pakiusap na huwag naman silang husgahan at batuhin ng masasakit na salita.

Sabi naman ni Andrea, “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending