Linya ng bata (2)

Sulat mula kay Imelda, ng Barangay Manjagao, Surigao City
Problema:  
1.      Wala pa rin kaming anak ng asawa ko sa kabila na anim na taon na kaming nagsasama. Nagtataka na ako kung bakit hindi ako nabubuntis.  Nagtataka rin ang aming doktor dahil wala naman siyang nakitang diperensiya sa akin.
2. Nais kong malaman kung may pag-asa pa kaya akong mabuntis at magkaanak. At kung sakaling may pag-asa pa, kailan naman kaya kami magkakaanak? February 12, 1978 ang birthday ko at January 2, 1975 naman ang mister ko.
Umaasa,
Imelda ng Surigao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Aquarius ang zodic sign mo at ng iyong mister. Compatible at tugma kayong dalawa dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong hangin. Ang ibig nitong sabihin ay mas makabubuting gumawa kayo ng baby habang nakabukas ang aircon. Makikita n’yo mas madali kayong makabubuo ng baby.
Numerology:
Ayon sa birth dates ninyo, pabor ang taon 2014 para makabuo na kayo.  Ang ibig sabihin, sa nasabing taon, tiyak ang magaganap— isang malusog na lalaking sanggol ang isisilang.
Luscher Color Test:
At upang matiyak na magbubuntis ka, bukod sa pagamit ng aircon sa inyong silid, gumamit din kayo ng kulay na pula habang nagtatalik. Sa ganyang paraan ay mas magiging masigla ang egg cell mo at ang sperm cell ni mister na sa sandaling nag-meet ay isang malusog na lalaking sanggol ang kusang mabubuo sa iyong sinapupunan.
Huling payo at paalala:
Imelda, ayon sa iyong kapalaran, sundin mo lang ang mga mungkahing inilahad na sa itaas at panayin lang ninyo ang pagtatalik lalo na pagsapit ng bagong buwan o first quarter full moon. Makikita mo, tulad ng nasabi na, may mabubuong sanggol sa iyong sinapupunan upang pagsapit ng siyam na buwan ay isang malusog na lalaking sanggol ang magdadala ng kakaibang suwerte sa inyong relasyon at kukumpleto sa iyong pagmamahalan.

Read more...