HOROSCOPE August 28, 2013 | Bandera

HOROSCOPE August 28, 2013

Madam Sophia - August 28, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mangingibabaw ang iyong sarili sa araw na ito. Ikaw ang magiging pinakamagaling. Gamitin ang karisma ng iyong mahusay na pagsasalita sa pagkakaperahan. Sa ganyang paraan ay mas madali kang yayaman Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at pink ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)—  Mabilis na pagbabago sa takbo ng buhay ang magaganap, magugulat ka dahil sa araw na ito an iyong mga problema at dating kamalasan na iniisip mo ay biglang magiging isang malaking oportunidad upang ikaw ay suwertehin sa buhay. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Bagong kurtina ang dapat ikabit sa bahay sa araw na ito. Tiyakin lamang na ito ay may disenyong bulaklakin, guhitan o kaya’y bilug-bilog. Ang mga hugis na ito ang hahatak ng maraming pera at masayang pag-ibig. Mapalad ang 3, 17, 2, 18, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Violet at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Kung nais magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at aspetong pang materyal, ituloy ang pagsusuot ng silver na singsing. Upang lalo ka pang suwertehin, ang silver na singisng ay lagi mong punasan para laging makislap at kumikinang. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Kuru.” Bukod sa silver ang white ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Ipakita mong sa sariling diskarte at pagsisikap ay magagawa mo ring umunlad. Mapalad ka sa kaibigang Capricorn at Virgo, sila ang tutulong sa iyo upang ganap mong maipakita sa lipunang iyong ginagawalan ang kakaiba mong talent at skill. Mapalad ang 2, 7, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Uso ang sakit. Umiwas makipagdaldalan sa mga taong mataas na payat, sila ang may dala ng mikrobyong sanhi ng bulutong, sore eyes, tigdas at tagulabay. Laging magsuot ng cotton na damit upang hindi matuyuan ng pawis. Mapalad ang 1, 4, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Om.” Gold at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Isang gawain ang tagumpay na maisasakaturapan. Sundan pa nang sundan ang mga gawaing napagtagumpayan upang tuloy-tuloy nang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig tuloy ang maalab na relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Beige at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Kangkong, malunggay, saluyot, okra at iba pang berdeng gulay ang dapat mong kainin sa araw na ito. Nakatipid ka na, mas lalo pang gaganda at se-sexy ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Haram-Harim.” Blue at apple green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Kung patuloy pa rin ang bayo ng kamalasan, mas mabuting ilipat ang pinto sa silangan. Kapag naiharap na ang main door sa east, tiyak ang magaganap—bukod sa masayang pag-ibig ang kusang darating ay makakaranas ka na rin ng sunud-sunod na pag-unlad. Mapalad ang 7, 17, 29, 39, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sarvasaya-Jivanna.” Red at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang mas mabilis na lumago ang kabuhayan, pumunta sa kapatagan at lugar na maraming tao; hindi dapat manatili sa liblib at tahimik na lugar. Sa pag-ibig, iwasan muna ang seryosong relasyon at ipriority ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 12, 22, 38, 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Iba’t ibang intriga ang masasagupa mo kaya lumayo  sa kasamang pandak at pahaba ang hugis ng mukha dahil siya ang magpapahamak sa iyo. Magdidikit sa kaibigang bilugan ang mukha dahil siya ang magbibigay ng suwerte at masayang pag-ibig. Mapalad ang 5, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Tugtuging nakakaaliw at iba pang nakaka-entertain na bagay ang dapat pag-ukulan ng panahon. Kailangang maglibang bago tuluyang igupo ng kalungkutan ang iyong kaluluwa. Sa pag-ibig, makipagkita sa isang kabigang Virgo. Mapalad ang 4, 18, 27, 31, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— ‘Wag asahang manalo sa lotto. Magpatulo ka ng pawis at matutong magsikap upang mas  mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, kung kasama mo ang kasuyong Cancer ay hindi naman masama kung minsan-minsang tataya sa lotto, lalo na sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre. Mapalad ang 4, 18, 29, 36, 40 at 48. Mahiwag mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending