Mike Tan naging mas madiskarteng tatay dahil sa pandemya; biglang nagbago ang lifestyle

NATUTONG dumiskarte ang Kapuso actor na si Mike Tan bilang tatay para maka-survive sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Inamin ng Starstruck Ultimate Male Survivor na matindi rin ang challenge na pinagdaanan nila ng kanyang asawa sa kasagsagan ng lockdown, lalo pa’t may dalawa na silang anak.

Sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” ng “Eat Bulaga” kung saan isa si Mike sa mga choices, naikuwento niya kung paano sila naka-survive habang wala pa siyang trabaho sa showbiz.

“Mahirap kasi hindi kami nakakalabas, hindi kami nakakapasyal. Very limited ‘yung trabaho na naio-offer sa ‘yo.

“Eh, kami, dalawa na ‘yung babies namin (Victoria at Priscilla). So iniisip namin ano kailangan namin gawin. Ano dapat baguhin sa lifestyle natin. Na-stop lahat, eh.

“Akala namin first three months lang ng pandemic tapos na. Tapos na-extend na ng na-extend so naisip namin, we need to start something new para doon umikot ‘yung pera namin. So nag-isip na kami kung paano magkakaroon ng bagong source of income.

“‘Yun ‘yung pinakamahirap sa akin kasi as a father I need to provide aside from loving my family. I think ‘yun ‘yung naging pinakamalaking responsibilidad,” pahayag ni Mike.

Sa kasalukuyan, may dalawang online business sina Mike “‘Yung cinnamon.mnl at meron kaming small businesses ‘yung Happy Father’s Pay, nagbibigay ng anything na makakatulong sa bata na maging mas matalino.”

Narito naman ang message niya sa kanyang mga anak, “Merry Christmas kahit ano’ng mangyari nandito lang si Dada para sa inyo. Kung ano man ang maging choice niyo sa buhay, susuportahan ko lang kayo.

“Kahit dito sa pandemic pipilitin ni daddy at mommy na maging masaya ang paglaki niyo kahit lagi lang tayo nasa loob ng bahay,” aniya pa.

Ito naman ang mensahe niya sa kanyang wifey, “Kahit ano’ng mangyari nandito lang ako, susupportahan kita, mamahalin kita, kung ano man ‘yung desisyon mo, doon ako.”

Read more...