Ngunit ayaw muna niya itong ikuwento noon sa mga staff ng programang ginagawa niya dahil gusto nila ay tahimik lang at higit sa lahat, gusto niyang siya mismo ang mag-announce sa kanyang YouTube channel.
Ang tinutukoy namin ay si Roxanne Barcelo na matagal nang gustong mag-asawa at nabanggit niya ito noong presscon ng pelikulang “G” na entry ng Cineko Productions sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 last year.
Hanggang sa muli namin siyang nakausap sa pocket presscon ng iWant Originals na “Fluid” kasama sina Ann Colis at Direk Benedict Migue at dito nabanggit niya na “single” pa rin siya.
Pero mukhang iniligaw ni Roxanne ang press na nag-interview sa kanya dahil engaged na pala siya bago mag-quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
“My partner asked me to marry him and he said that he wants to start a family with me. It was a beautiful moment because he asked me twice few months afer quarantine pa tayo noon but since naka lockdown pa noon, all we knew is we’re going to get married before the year ends,” kuwento ni Roxanne sa kanyang vlog.
Anyway, nu’ng nag-shoot si Roxanne nitong Nobyembre para isang programa ay inamin niya sa malalapit na kaibigan na engaged na siya pero hindi pa niya ito isinapubliko.
At nitong Dis. 25 ay inamin na ng character actress sa kanyang YouTube video na ikinasal na siya. “I got married,” ang ipinost niyang caption sa larawan nila ng kanyang asawa kahapon, Araw ng Pasko.
Hindi pa rin siya nagbigay ng eksaktong petsa kung kailan siya ikinasal ng partner niya.
Samantala, lie-low muna si Roxanne sa pagtanggap ng mga project niya dahil plano na niyang magbuntis dahil gusto na nilang magkaanak ng asawa niya. Oo nga nama dahil hindi na rin naman bata ang aktres sa edad na 35.
Mula sa BANDERA ay binabati namin si Roxanne at ang kanyang hubby ng Congratulations.
* * *
“Huy, buntis ba si Yassi Pressman?” Ito ang tanong sa amin ng isang kaibigang may konek sa industriya ng advertising.
“Huh! Saan naman galing ‘yang tsika mo?” balik-tanong namin sa aming kaibigan.
“E, napag-uusapan nang naka-dinner naming producer at director,” sabi sa amin.
Sinagot namin siya ng, “Porke’t mawawala na sa FPJ’s Ang Probinsyano, buntis na? Hindi ba puwedeng maraming projects na hindi niya magawa ngayon dahil sa lock-in set up ng tapings nila ng show?”
Sa pagkakaalam kasi namin ay maraming proyekto si Yassi na naisara ng talent management niya na hindi pa niya nagagawa dahil nga nag-lockdown.
At nang mag-resume sila ng taping para sa “Ang Probinsyano” ay puro lock-in naman kaya walang oras talaga para magawa ng aktres ang mga nabinbing proyekto.
Sapat na rin siguro ang mahigit four years niyang pananatili sa programa ni Coco Martin bilang si Alyana Arevalo na asawa ni Cardo Dalisay.
Pinasalamatan nga ni Yassi ang Dreamscape Entertainment Business Unit Head na si Deo Endrinal sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na mapabilang sa nangungunang teleserye ng bansa.
Ang caption ng aktres sa larawan nila ni Deo, “There are many things and people I am truly thankful for in my life, and you are one of them. Sir Deo, Thank you po for everything!”
At marahil ay malaki na ang naipon ng aktres para ma-sustain ang construction ng ipinagagawa niyang bahay na ipinost niya noong Okt. 6.
Anyway, sa mga nagtatanong kung nasa interesting stage na si Yassi, hintayin na lang kung lalaki ang tiyan niya pero sa palagay namin ay malabong mangyari yan dahil career ang prayoridad niya sa ngayon.