BL series ni Adolf Alix sa GagaOOLala sumabay sa opening ng 2020 MMFF

NAKIKIPAGLABAN ngayon sa Magic 10 ng 2020 Metro Manila Film Festival ang BL o Boy’s Love series ni Direk Adolfo Alix, Jr. na “Happenstance.”

Kasabay nitong nag-premiere kahapon, Dec. 25, ang nasabing pelikula sa streaming platform na GagaOOLala.

Paliwanag ni Direk Adolf, ang GagaOOLala ang nag-schedule ng release date ng “Happenstance” kaya wala siyang kontrol dito. Pero aniya, umaasa sila na tatangkilikin pa rin ng online viewers ang kanilang bagong project.

Patuloy na kuwento ng direktor sa ginanap na virtual presscon para sa kanilang pelikula, kaya raw kahapon sinimulan ang airing ng BL series na may siyam na episodes, ay dahil mataas ang viewership ng mga shows sa GagaOOLala tuwing Biyernes.

Bukod pa sa may international audience na ang mga BL series kasabay pa nito ang pagdiriwang ng mga LGBTQ ng holiday season.

Sinabi ni Direk Adolf na na-inspire siyang gawin ang serye dahil sa napabalitang house owner na nakakita ng love letters noong ‘70s habang nagpapa-renovate ng bahay na hinanap ang letter sender na lagpas limang dekada na ang nakalipas.

Bida sa “Happenstance” ang mga baguhang aktor na sina Kiko Ipapo at Jovani Manansala. Si Kiko ay isang social media personality at influencer. Pero bago ‘yan isa muna siyang print model at saka pinasok ang showbiz.

Si Jovani naman ay nagsimula sa paggawa ng ilang TV commercial at lumabas na “Ipaglaban Mo” at “Maalaala Mo Kaya”, at sa indie films na “Mamu: And a Mother Too” at “Jolly Spirit.”

Sa kuwento, tampok ang mga karakter nina Wade at Jose Manuel, ang dalawang taong sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkakilala sa magkaibang panahon — ang isa ay noong 1974, at ang isa ay nitong 2020.

Si Jose Manuel ay grounded pagkatapos pumasok sa military nang malaman ng tatay niya ang relasyon kay Luis (Shu Calleja), isang aktibista.

Si Wade naman ay kasalukuyang nagmu-move on sa nangyaring break-up kay Eric (Saviour Ramos), na biglang inabutan ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. Pagkatapos ng super moon, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na mag-connect across time at mahanap muli ang pag-ibig.

Sabi pa ni Direk Adolf, “What is going to be interesting is to see the audience reaction on how the two characters will interact and meet given their limitations.”

Dagdag pa ng director, bukod sa isang lovestory ang series na Happenstance, ipakikita rin ang ilang issues na relevant sa magkaibang peiod gayundin ang pagkokompara sa mga ipinagbabawal noong 70s at ngayong may 2020 na may quarantine.

Ka-join din sa BL series na ito sina Bembol Roco, Rosanna Roces, Alan Paule, Erlinda Villalobos, Angeli Bayani, Ken Anderson, Miggy Campbell at Stephanie Sol.

Ang “Happenstance” ay isinulat ni Jerry Gracio na may siyam na episodes at napapanood na ngayon exclusively sa LGBTQ+ streaming platform na GagaOOLala. At para mas maraming audience ang makuha nito, nakipag-collaboration ang GagaOOLala sa Gcash at KTX.ph. para sa New Pricing Options at Content Distribution.

At ngayong Pasko at Bagong Taon, nag-offer ng mas murang plans sa mga users subscriber via Pay TV section ng Gcash app. Ito ay ng 3 days for P49; 7 days for P109; 14 days for P159.

Dagdag pa rito, ipalalabas din ang “Unlocked” ni Direk Adolf sa Dec. 30 sa TVOD platform KTX.

Read more...