Roxanne Barcelo ikinasal na; non-showbiz na dyowa 2 beses nag-propose

BAGO mag-goodbye ang 2020, ibinandera ni Roxanne Barcelo sa buong universe na nagpakasal na rin siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ginulat ng singer-actress ang kanyang fans at mga kaibigan sa showbiz nang ibalita niyang na-engage at ikinasal siya sa panahon ng pandemya kaya matatawag din siyang “quarantine” bride.

Sa kanyang recent vlog na may titulong “Hear me Out”, ikinuwento ni Roxanne ang mga bagong kaganapan sa kanyang buhay, partikular na nga ang pagiging wifey.

“I got engaged. My partner asked me to marry him. And he said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked me twice.

“He asked me for the first time a few months after quarantine. Pero since naka-lockdown pa noon, all we knew was we were going to get married before the year ends.

“Totoo pala ‘yung ‘When you know, you know.’ I knew from the start na siya ‘yung para sa akin,” bahagi ng pahayag ng aktres.

Sa huling bahagi ng video, ipinakita ni Roxanne ang kanyang wedding ring sabay dialogue ng, “Roxanne is officially married. He is worth the wait, and so am I.”

Bukod dito, nag-post din siya ng ilang wedding photos sa Instagram na may caption na, “My Creator’s best gift ever. Merry Christmas from me and my husband.️ #flashbackfriday.”

Pero kapansin-pansin na hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang husband at sa lahat ng litrato nila ay palaging nakatalikod ang tila foreigner na lalaki kaya hindi nakikita ang mukha nito.

Samantala, ibinahagi rin ni Roxanne sa nasabing vlog kung paano niya nasabing natagpuan na niya ang kanyang “the one” at napapayag na magpakasal na.

Aniya, bukod sa botong-boto ang pamilya niya sa lalaki, isang pangyayari ang hinding-hindi niya malilimutan noong kasagsagan ng bagyong Ulysses last month.

Binaha ang bahay nila kung saan mag-isa lang doon ang kanyang nanay na na-stranded sa second floor.

Lulusong na raw sana si Roxanne sa baha pero pinigilan siya ng boyfriend.

Ito ang sumugod sa binahang bahay ng aktres at ni-rescue ang kanyang mother in law sakay ng isang jet ski, “Sinundo si Nanay from the house. Binuhat siya ng partner ko palabas ng balur.

“And then, saka siya sinakay sa jet ski. Hindi siya nadaplisan ng tubig. Hindi siya naglakad sa burak.

“I’m so happy that my partner is on another level of understanding with my nanay. Kasi si Nanay, parang love na love siya.

“Du’n ko nakita, kapag ang partner mo gusto ng parents mo, iba yung flow. Iba yung saya ng buhay,” lahat ni Roxanne.

Huling nakarelasyon ni Roxanne ang model-actor na si Will Devaughn. Apat na taon niya itong naging boyfriend at naghiwalay noong 2017. At makalipas nga ang tatlong taon ng pagiging single, ibinandera ng aktres sa pagpasok ng 2020 na may dine-date siyang non-showbiz guy.

Read more...