FEU, Ateneo magtutuos

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. FEU vs Ateneo
4 p.m. UST vs Adamson
Team Standings:  FEU (8-2); NU (7-3); La Salle (6-4); UE (5-4); Ateneo (5-4); UST (4-5); Adamson (3-7); UP (0-9)

PAKAY ng Far Eastern University na ipasok ang isang paa nito sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament.
Kapag nanalo kasi  ngayon ang FEU Tamaraws ay makakasiguro sila ng playoffs spot para sa semifinal round.

Pero hindi ito magiging madali dahil maka-kasagupa ng FEU ngayon ang nagdedepensang kampeong Ateneo Blue Eagles.
Sariwa ang Tamaraws mula sa 98-94 double overtime win kontra  University of the East  noong Linggo na nagwakas sa dalawang sunod na kabiguan ng FEU.

Kasalukuyang nangunguna ang tropa ni coach Nash Racela sa   8-2  karta habang ang Ateneo naman ay umpisa nang mag-arangakada matapos ang malamyang umpisa sa season na ito.

Pakay ng Ateneo na masungkit ang ikalimang sunod na panalo sa pagharap nito sa FEU ngayon.

( Photo credit to INS )

Read more...