Pamaskong handog sa mga motorista: Libreng toll fee sa mga expressway

May handog na libreng toll fee kasabay ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), kasama sa may libreng toll fee ang North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Cavite Expressway (Cavitex) at Cavite-Laguna Expressway (Calax).

Walang babayarang toll fee ang mga motorista mula sa Bisperas ng Pasko, (Disyembre 24) hanggang sa araw mismo ng Pasko, (Disyembre 25).

Para naman sa Bagong Taon, wala ring toll fee mula Disyembre 31 hanggang Enero 1.

Epektibo ang libreng toll fee mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Read more...