Glaiza sa Ireland magpa-Pasko kasama ang BF: Sabi ko sa kanya magkaraoke kami rito

NAGDESISYON si Kapuso singer-actress Glaiza de Castro na sa Ireland muna mag-celebrate ng Pasko ngayong taon.

Ito ang unang pagkakataon na magdiriwang ng Pasko ang dalaga sa Ireland kasama ang boyfriend niyang si David Rainey kaya naman siguradong mami-miss din niya ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Pero naniniwala si Glaiza na magiging memorable din ang Christmas niya this year dahil makakasama rin niya ang pamilya ng kanyang boyfriend.

Nag-promise naman daw si David sa family ni Glaiza na aalagaan niyang mabuti ang aktres tulad ng ginawang pag-aalaga ng mga ito sa kanya noong na-lockdown siya sa Pilipinas.

“We will take care of her, keep her safe, keep her warm. Make sure she has lots of nice food. Like when I was in the Philippines, February to June, and Glaiza’s family took care of me, we will do the same,” pangako ni David.

Kasabay nito, siniguro rin ni David na hindi magsisisi si Glaiza sa desisyon nitong sa Ireland mag-Pasko. Sobrang lamig daw ngayon doon base sa panayam ng GMA sa magdyowa.

“Medyo nakakapanibago lang kasi siyempre galing ka sa tropical country, tapos once you get out of the house, nandoon na ‘yung lamig, nandoon na ‘yung hangin na talagang nagpe-penetrate roon sa mga kalamnan mo,” masayang pahayag ni Glaiza.

Looking forward na rin daw si Glaiza sa mga magaganap sa kanilang Christmas celebration. Sey naman ni David, “Lots of food and lots of games. My brother-in-law, he loves games.”

“Sinasabi ko sa kanya baka puwede kaming magkaraoke rin dito kasi Filipinos love to sing and do karaoke,” ani Glaiza.

Hirit naman ni David na marunong na ring mag-Tagalog, “Walang karioka, kwek kwek, banana que wala, turon wala.”

Samantala, balak ipatikim ni Glaiza sa pamilya ni David ang ilang masasarap na Filipino food na favorite na rin ngayon ng kanyang BF.

“Sinasabi ko sa kanila na ‘yung ginataan, pinapakuluan siya sa coconut milk na may saging na saba, kamote, bilo-bilo. Kasi nagdala siya ng glutinous rice rito eh, kaya siya nakagawa ng palitaw,” kuwento pa ni Glaiza sa nasabing interview.

Read more...