KINAMPIHAN ni Mystica ang pulis na nakapatay ng mag-ina sa Tarlac.
Sa kanyang Facebook account, nag-rant ang laos na singer-dancer laban sa mga biktima.
Nagkamali pa nga siya dahil sa halip na magnanay, maglola ang binanggit niya sa kanyang reaction video.
“Noong tiningnan ko naman kung saan nag-ugat, at talagang tiningnan ko talaga ang mga pangyayari, mga ganoon, ay mga pasaway naman kasi ang maglola, okay. Lalung-lalo na nu’ng lumapit ‘yung anak at sinabi na ‘my father is a policeman’.
“So, meaning to say, mas alam ng bata na dapat igalang ang pulis. At saka isa pa, ang pulis, peace and order ang kanyang ginagampanang trabaho.
“First of all, ano ba ang ginawa nila, okay. ‘Yung pagpapaputok na nakakaano sa ibang tao. Of course, kahit ako, kung sakali may nagpaputok at ako ay naabala, hindi man ako pulis but I have to go to the policemen.
“At kung hindi naman naaksyonan ‘yung aking complaint at dahil wala palang pakialam itong ikino-complain sa pulis, walang paggalang, of course, that would be a big question on my part, ‘di ba?
“Katulad nito, ‘yung anak ang nagreact na mismo, nakikita ko, eh, nagbi-video siya hanggang sa nakikita niya talaga na wala ng paggalang sa pulis itong maglola, hanggang sa hindi na nakapagtimppi ‘yung bata, lumapit, ‘may father is a policeman, let it go’.
“So, natural, bilang isang magulang, pinalaki mo ‘yang bata na ‘yan with respect, ginagalang ka bilang policeman, ano ang gagawin ko? Hayaan ko na lang ba na babastusin ‘yung trabaho ko, babastusin ‘yung ginagampanan kong katungkulan bilang pulis. At hahayaan ko na lang na i-manipulate ng maglolang ito, na wala silang pakialam?
“Well, if I would be that policeman as well, hindi na baleng ako ay makulong. Ayaw ko lang na mapahiya at mawalan ng dignidad bilang pulis na nagme-maintain ng peace and order. Sa pamamagitan ng ginawa niya, kung iyon na lang ang way para mapatahimik itong maglola, then he did his thing.
“That’s what I think, ‘di ba? Ano ang dapat niyang gawin?”
‘Yan ang mahabang aria ni Mystica na pinalagan ng netizens.
Litanya ng isang nag-react, “Ano sabi mo mystica peace and order ang ginagampanan ng police, tama pero ang hindi tama ay hindi niya ginamit bagkos ito’y pinangalandakan pa niya na hindi siya karapat dapat sa position niya bilang police kasi ang peace and order na sinabi mo ay ang pumatay ng walang kalaban laban, in short inosenteng mga tao diba dapat ang leader ay pinapakita o ginagawa ang kabutihan para sa kapayapaan ng lahat.
“Pero sa ginawa ng police ay nag create pa ng lalong kaguluhan kasi sa halip na ayosin para siya ay igalang hindi niya binigyan ng chance na maayos pa kundi ang gusto lang niya ang masusunod.
Kung ihalintulad natin sa buhay ni Jesus Christ ay hinubad niya ang pagka Dios at nagpakababa siya hindi niya ginamit ang kanyang position para sa sarili niya kung hindi ang ginagampanan niyang tungkulin ang nasusunod so dapat ganon din ang ginawa ng police, dahil Dios ang nagbigay ng buhay siya lang rin ang may karapatan sa buhay.”
“Umepal kana naman. Isang araw selda rin ang kababagsakan mong punyemas ka kasama ng ipinaglalaban mo.
Peace and order pala gngwa nya ha… oo yung matitinong pulis yan ang gngwa nila pero sya ha take note mo jan sa utak mong na split na nga daw sabi nila eh di lang yan ang kaso nya 6 na nadismis lang kahit makailang beses ng pumatay ng tao.
“Kita mo kung pano sya pumatay walang kaabog abog sanay na sanay. Kaya hwag mo ng ipost yang pagbubunganga mo.
Bakit gusto mo na namang mag trending gaya ng pagmumura mo sa presidente ng aaksyunan iiyak iyak ka at hihingi hingi ng tulong,” comment naman ng isang galit na galit sa dating novelty singer.
Para naman sa isang nakapanood ng viral video, “Policemen should always practice MAXIMUM TOLERANCE on each and every situation that they are in specially in rallies to prevent incidents like this.
“Buti nalang wala ka na sa showbiz at wala nang kumakagat sa mga pa split split mo and this STUNT of yours will not prove that you deserve another chance on the said industry. Please lang. MAGTIGIL KA SA MGA GANITONG PATUTSADA MO.”
“Bubu kang mystica ka wg kang mag salita wala ka nmn alam kita nmn sa pang yayari ikaw ba sa pamilya mo or kamag anakan mo gawin yung ganyang brutal na krimen ano ggwin mo wg kng mag papansin sa social media nakikisabay kapa kahit saang angulo tignan mali yung police na yun at nka sibilyan pa sya para sabhin nya mang huhuli sya at hindi nya kailangan kitilin ang buhay ng matandang tao at isang lalake dyos lng ang my karapatan sa ganung bagay bastos yung anak ng police my mata ka nmn kung mapapanood mo diba wg kng papansin bobo ka !!!!!” aria pa ng isa pang netizen.