GAME na game na sumabak sa “lie detector challenge” ang mag-inang Julia at Marjorie Barretto.
Sa bagong vlog ng aktres sa YouTube, ilang kontrobersyal na tanong ang sinagot ng mother and daughter tandem kabilang na ang mga pinag-usapang isyu na kinasangkutan nila noon.
Ayon kay Julia, naisipan niyang imbitahan si Marjorie na mag-guest sa kanyang vlog para sa lie detector challenge na usung-uso ngayon sa YouTube.
“I’ve seen a lot of videos on YouTube with their moms playing the lie detector challenge and I thought it was interesting to do because the questions are the exciting part,” pahayag ng dalaga.
Sa tanong kung masaya ba si Marjorie sa paglipat ng anak sa sarili nitong bahay, nag-yes siya dahil mas less na raw ang kalat sa bahay pero hindi umayon ang LD machine sa sagot niya.
Kaya sey ni Julia, “See, nami-miss mo rin ako, e.” Pero sabi ni Marjorie, happy siya dahil lumaking independent ang anak at nakapagpundar na ng sariling bahay ngunit may mga pagkakataon na sobra niya itong nami-miss kasabay ng pagsasabing napakabilis talaga ngayon ng panahon.
Sa isang bahagi ng video, natanong si Marjorie kung may naging karelasyon si Julia na talagang inayawan niya. Yes ang sagot ng nanay ng aktres.
“Of course. Talagang nag-dislike ako. Fake ‘to (lie detector machine) kapag sinabi niyang nagla-lie ako ha,” apela ni Marjorie.
Nang makita ang resulta ng lie detector test, chika ni Julia, “Telling the truth. Nice, nice. I know naman.”
Na sinagot ni Marjorie ng, “Kaya nga ex ‘di ba? There’s a reason why they are an ex.”
“Okay hahaba tapos issue na naman bukas,” hirit naman ni Julia na sinagot uli ni Marjorie ng, “Bakit? Kilala ba nila lahat ng ex mo?”
Natatawang reply ni Julia, “Dalawa lang naman sila, eh.” Ang huling naging dyowa ng dalaga ay ang dati niyang ka-loveteam na si Joshua Garcia.
Sabi naman ni Marjorie sa anak, “Siraulo ka. Ma-iisyu na naman ako niyan.”
“Dalawa lang naman sila kaya mamili sila du’n. Pero ‘yung isa ‘di nila kilala. ‘Di lang sila sure,” balik na hirit ni Julia sa kanyang nanay.
Ilan sa mga celebrities na na-link kay Julia ay sina Julian Estrada, James Reid, Enrique Gil at Inigo Pascual. May chika namang kumakalat na nagkakamabutihan na sila ngayon ni Gerald Anderson pero hanggang ngayon ay hindi pa nila ito inaamin o dinedenay.