MUKHANG masusundan pa ang proyekto nina Paulo Avelino at Charlie Dizon pagkatapos ng Metro Manila Film Festival 2020 entry nilang “Fan Girl.”
Balitang nasa number 1 slot ang kanilang pelikula sa 10 kalahok sa taunang MMFF base na rin sa nasagap naming balita tungkol sa bentahan ng ticket online.
Ganito naman ang kadalasang nangyayari kapag kumita ang pelikula, siguradong may follow-up lalo na kung nagmarka sa manonood ang mga bida.
In fairness, bagay na magka-loveteam sina Paulo at Charlie, considering na 32 years old na ang aktor at 24 taong gulang naman ang dalaga.
Mapapanood na ang “Fan Girl” simula sa Dis. 25 sa pamamagitan ng Upstream.ph.
Anyway, ang Thai series na “The Shipper” na kuwento ng fan girl ay libreng mapapanood ng Pinoy fans sa iWantTFC ngayong Dis. 28.
Magsisimula ang kuwento kay Pan (Prigkhing Sureeyaret), isang die-hard boys’ love fan na ang tanging gusto ay ang magkaibigan ang matalik na magkaibigan na sina Way (Fluke Pusit) at Kim (First Kanaphan).
Si Way ay isang astig na atleta na may nobya, habang si Kim naman ay isang masipag at matalinong estudyante. Ibang kahulugan ang ibinibigay ni Pan sa pagsasamahan nina Way at Kim at susubukan niyang gawin ang lahat upang magmahalan ang dalawa.
Ngunit, bigla na lang magbabago ang lahat nang maaksidente sina Kim at Pan. Pagkatapos nito, magkakapalit sila ng katawan dahil sa pagkakamali ng dyosa ng kamatayan habang ibinabalik ang kanilang mga kaluluwa.
Habang wala pang malay si Kim, papakiusapan si Pan ng dyosa ng kamatayan na huwag munang ibahagi ang sikretong ito at magkunwari muna siya bilang si Kim hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon.
Pabor naman si Pan sa mga pangyayari dahil sa wakas, pagkakataon na niyang matupad ang pantasya niyang magmahalan sina Way at Kim.
Hanggang saan ang kayang gawin ni Pan para maging totoo ang kanyang nais na pagmamahalan nina Way at Kim? Paano maapektuhan ng misteryosong sitwasyong it ang relasyon ng dalawang lalaki?
Pinuri ng mga manonood ang “The Shipper” dahil sa nakakakilig at emosyonal nitong kwento noong ipinalabas ito sa Thailand nitong taon ng Thai content company na GMMTV.
Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.