NANGGAGALAITI sa galit ang ilang celebrities sa pulis na pumatay sa isang nanay at anak nito sa Paniqui, Tarlac.
Kinilala ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na siyang bumaril sa mga kapitbahay niyang si Sonya Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Gregorio.
Ayon sa ulat, kinompronta ni Jonel ang mag-ina dahil sa pinaputok na “boga” sa labas ng kanilang bahay. Dito na sila nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa mauwi na sa sigawan.
Nakialam na rin ang anak ng pulis at nagsimulang i-video ang pangyayari. Sinigawan din ng bata ang mag-ina kaya mas nagalit pa ang nanay.
Ilang sandali lang ay pinaputukan na nga ng pulis si Sonya at sinunod si Anthony. Pagkatapos nito ay muli niyang binaril ang ginang. Sumuko rin ang suspek matapos ang insidente.
Sumiklab ang galit ng publiko nang mapanood nila ang video ng pamamaril, kabilang na ang ilang celebrities. Gamit ang hashtag #StopTheKillingsPH, kinondena ng mga sikat na personalidad ang walang awang pagpatay sa mga biktima.
Ayon kay Angel Locsin, “Good cops should condemn bad cops. Remember the motto, #ToProtectAndToServe.”
Komento ni Maine Mendoza, “Bakit kailangang umabot doon? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo?
“Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio,” tweet pa ng Kapuso actress-host.
Dagdag pa niya, “Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubungad sayo. Ang sakit talaga sa puso.”
Para naman kay Janella Salvador, “How inhumane can you be to take actual human lives like that so confidently for your own selfish reasons— IN FRONT OF YOUR OWN CHILD— LIKE IT’S NORMAL? This is what it has come to in our country. Sick. My father is a policeman my ass.”
Sabi naman ni Bianca Gonzalez, “Na parang normal lang ang pagbunot at pagputok ng baril. Na parang wala lang ang buhay ng dalawang taong walang laban at hindi nanlaban. Na kung walang video na nakuha ay hindi pa malalaman ang kawalanghiyaang krimen na nangyari.”
“Poor child, di naman nya alam ang difference ng FATHER, POLICEMAN at MAMAMATAY-TAO. Magkakaiba yun. Maraming mabuting ama at pulis. Ibang usapan yung 3rd. Hindi malinaw na tinuro sa kanya yun.
Biktima din sya dahil mali ang alam nya. Heartbreaking. Sana may oras pa. Napakabrutal,” pahayag naman ni Alessandra de Rossi.
Komento ni Kean Cipiriano, “GALIT NA GALIT AKO! Gising Pilipinas! Grabe na tong nangyayare! Let’s do something about this. #StopTheKillingsPH #EndPoliceBrutality #JUSTICEFORFRANKGREGORIO #JusticeforSonyaGregorio.”
“That was just pure evil!!! JUSTICE for the family! That policeman should pay! #StopTheKillingsPH,” sey naman ni Jed Madela.
Para naman kay K Brosas, “Hindi ko kayang panoorin yung video.. nakakapang hina kahit pics Lang nakita ko at article.. Grabe na to lord!! Ganon ka casual?!?! Kahit alam nya na may camera?! Hayyyy!!!”
“PNP = Patay Nang Patay!” ang maikling mensahe ni Agot Isidro.