John Lloyd, Bea pinaiyak si Dimples: Napaka-special ko naman, para akong nananaginip

SINORPRESA nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang kaibigan nilang si Dimples Romana na nag-celebrate ng kanyang birthday nitong nakaraang buwan.

Iyak nang iyak ang award-winning actress nang makita sina Bea at Lloydie sa paandar na birthday surprise ng kanyang husband na si Boyet Ahmee.

Sa latest vlog na in-upload ni Boyet sa kanyang YouTube channel, mapapanood kung paano niya pinaghandaan ang bonggang sorpresa para sa kanyang wifey na kung tawagin niya ay “Mahal Na Reyna.”

Sa unang bahagi ng video, makikita ang mag-asawa sa isang malawak na lugar malapit sa dagat kung saan nag-set up si Boyet ng tent with dining table and chairs para sa kanila ni Dimples.

Dito, binasa ni Boyet ang madamdaming birthday message niya para sa asawa na talagang nagpaiyak sa aktres.

“Dearest mahal na Reyna, what I really want to tell you my love is thank you. You are the reason why we are in a good place right now. You know it was not easy at first, but we got through it successfully.

“17 years was not a stroll in the park when we started. But with all the happy as well as not so good memories, it made us stronger. And may this journey run smoothly,” bahagi ng pahayag ni Boyet.

Pagkatapos nito, unti-unti nang lumapit kay Dimples sina John Lloyd at Bea na nakasama niya sa blockbuster movie na “One More Chance.” Shocked ang aktres nang makita ang magka-loveteam.

“Napaka-special ko naman. Hindi ako makapaniwala. Para akong nananaginip. Sobrang saya ko na nakita ko kayo,” umiiyak pa ring sabi ni Dimples.

Sabi naman ni Bea sa kanya, “Ganu’n talaga. Moment mo ‘to mars!” Niyakap din nang mahigpit nina Bea at Lloydie si Dimples.

“Ang sarap pala ‘no kapag people give you time and literal parang iniisip ko kanina, ‘Lord ano ba ‘tong nangyayari kasi parang one surprise after the other.’

“Sa letter palang masayang-masaya na ako kasi si Boyet, he used to write me letters a long time ago,” chika pa ni Dimples.

Siyempre, super happy din si Boyet dahil nagtagumpay siya sa bonggang pa-surprise para sa asawa. At hindi lang sina John Lloyd at Bea ang dumating para bumati sa may birthday, isa-isa ring bumati sa kanya ang ilang katrabaho at mga non-showbiz friends.

Sey ni Boyet, “Well, natuwa ako. Ngayon ko lang siya talaga nagawan ng ganito kalaking surprise.”

Sa huli, siniguro ni Boyet na ang lahat ng nagpunta sa kaarawan ni Dimples ay nagpa-swab muna bilang pagsunod sa health and safety protocols.

“To my loyal subscribers, family, friends at basher friends, nagpa-swab po lahat ng involved dito at negative kami lahat. Kalma kalma lang at magpa-Pasko na. Labyu all!” mensahe pa ni mister ni Dimples.

Read more...