Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay na baby nina KC Montero at ng asawa niyang si Stephanie Dods.
Sa Instagram, inanunsyo ni KC ang magandang balita.
“Your mom and I have been waiting a long time to meet you,” ang caption ni KC sa larawan ng isang natutulog na baby.
Wyatt Cody Miller, eto ang ngalan ng bata na ipinanganak nitong Disyembre 14.
“Welcome to Fam little guy ❤️,” wika ni KC.
Umani ng pagbati ang mag-asawa mula sa iba’t ibang Pinoy celebrities.
“WHOAH!!!!! Congratulations to you both !!!!!!!!! God bless you more KC!!!!!! 🙏🏼♥️🙏🏼,” masayang pagbati ni Gary Valenciano.
“Congratulations!!!! ❤️❤️❤️,” ang magkahiwalay namang bati nina Iza Calzado at Maxene Magalona.
At si Dingdong Dantes, eto lang ang kanyang nasabi: “Yahoooo.”
Ikinasal sina KC at Stephanie noong Setyembre 2019 sa Seattle, Washington halos dalawang taon matapos na ianunsyo nila ang kanilang engagement noong 2017.