Aktor na si Ian McKellen nagpabakuna na kontra Covid-19

Photo from Instagram

Kahit siya si Magneto sa “X-Men” films at si Gandalf sa “The Lord of the Rings,” batid ng aktor na si Ian McKellen na hindi siya sasantuhin ng Covid-19.

Kaya naman si McKellen ay tumanggap na ng bakuna kontra sa sakit.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng aktor na kasama niyang nagpabakuna ang mga taong malapit sa kaniya.

Wala umano siyang naramdamang sakit sa pagbabakuna at hindi siya mag-aatubiling hikayatin ang publiko na magpabakuna laban sa Covid-19.

“Of course, it’s painless… I would have no hesitation in recommending it to anyone. I feel very lucky to have had the vaccine,” ayon sa 81-anyos na aktor.

Read more...