Central office ng DOLE isinailalim sa lockdown; Undersecretary nagpositibo sa Covid-19

Mula sa Facebook page ng DOLE

Pansamantalang isinara ang Department of Labor and Employment (DOLE) Central Office sa Intramuros, Maynila.

Ito ay matapos na ang isang undersecretary ng kagawaran ay magpositibo sa Covid-19.

Ayon kay Rolly Francia, DOLE-Information and Publication Service (IPS) director, isasailalim sa disinfection ang tanggapan ng DOLE.

Magbabalik ang normal na operasyon sa DOLE main office sa Lunes, Dec. 21.

Hindi naman tinukoy ni Francia kung sino ang DOLE undersecretary na nagpositibo sa sakit.

 

Read more...