THIS is it! Ngayong weekend na magaganap ang pinakahihintay na finale showdown sa third season ng The Clash sa GMA 7.
Sino nga kaya kina Jessica Villarubin, Renz Robosa, Jennie Gabriel, Sheemee Buenaobra, Larnie Cayabyab at Fritzie Magpoc ang tatanghaling Season 3 grand champion?
Nagkaroon kami ng chance na makapagtanong sa Final 6 Clashers bago sila sumalang bukas sa “The Clash” centerstage para sa huling yugto ng laban.
“Ano ang ginagawa n’yong paghahanda sa finals? May special ritual ba kayo bago mag-perform?”
Fritzie Magpoc: To be honest po wala akong mga ritual dahil hindi ako sanay. Sa katunayan, kay Ms. Jai (voice coach) lang po talaga ako natuto ng vocalizations na ‘di ko naman ginagawa dati. More on taking care of myself po ako nag-focus like tulog at pahinga. ‘Yun po talaga ang sa tingin ko ay kailangan ko for the finals.
Jennie Gabriel: Hangga’t may chance po makapagpahinga or matulog ginagawa ko po. Kasi ‘di naman po palaging kondisyon ang katawan natin at boses. Kahit may sakit ka, basta pagtungtong mo sa stage dapat lagi kang ready at ‘di mo dapat ipahalata ano mang nararamdaman mo.
Renz Robosa: Ang ginawa ko pong paghahanda para sa grand finals ay siyempre po nag-practice at sinisiguro kong may sapat akong pahinga. At ang pinakaimportante sa lahat, ay nagdadasal po ako na sana ‘wag ako pabayaan ng Panginoon sa bawat magiging performance ko.
Larnie Cayabyab: Siyempre po more practice, tamang tulog at pray po. ‘Di ko po sure kung ritual ba ito pero nagbo-vocalize po talaga ako bago po ako kumanta.
Shemee Buenaobra: Actually po, no rituals, just prayers and asking family and friends for their moral and prayer support. Tapos I keep myself fit and healthy lalo na most especially alaga ng boses, bawal sa malamig, tiis sa ice cream at milktea. At vocalization, first thing in the morning.
Jessica Villarubin: Tulog talaga. I make sure na I have enough rest. I always tell myself na there is a time for everything. Time for practice – I practice. Time to de-stress – I enjoy watching movies. ‘Yun talaga, palagi ko iniisip family ko at ang mga pangarap ko. That makes me strong.
“Sino sa Clash Panel ang kinatatakutan n’yo?”
Fritzie Magpoc: Si Sir Christian Bautista pa rin po ang kinatatakutan ko sa Clash Panel. Bukod sa alam natin na technical siya mag-judge, unpredictable rin po lahat ng mga sinasabi niya everytime na magko-comment na silang judges.
Jennie Gabriel: Sir Christian po, lalo na ‘pag may hawak na po siyang ballpen. Ha-hahaha! At pag ‘di po siya mangiti. Takot na po ako.
Renz Robosa: Si Sir Christian. Kasi po napaka-technical po niya pag mag-judge. Pero kahit ganoon, sobrang taas po ng respect ko sa kaniya. Isa po siya sa inspirations ko at niku-look up ko kasi nasubaybayan ko po ang naging singing career niya at pareho po kaming balladeer.
Larnie Cayabyab: Si Sir Christian po talaga. Kasi siya po ‘yung medyo strict sa Clash Panel pero need din po talaga na malaman din namin ‘yung negative comments po para mas ma-improve pa namin sa mga susunod na performance namin po.
Shemee Buenaobra: Sa totoo lang, lahat po sila. Pero hindi ko po kinatatakutan, instead inaabangan ko po ang kanilang mga honest comments and opinions na alam kong makakatulong sa’king susunod na performance.
Jessica Villarubin: Si Sir Christian. Very technical kasi siya as panelist. But I always take his comments positively to improve my passion in singing.
Kaya huwag nang bibitiw sa huling laban ng Final 6, ngayong Sabado, Dec. 19, 7:15 p.m., at Linggo, Dec. 20, 7:45 p.m., sa GMA, kasama pa rin siyempre ang mga host na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz with Journey hosts Ken Chan and Rita Daniela.