Bakit dapat panoorin sa Pasko ang BL movie na The Boy Foretold by the Stars?

ANO nga ba ang selling point ng BL o Boy’s Love movie na “The Boy Foretold by the Stars” para panoorin ito ngayong Metro Manila Film Festival 2020?

Alam naman ng lahat na kapag MMFF ay mabenta ang comedy, horror at fantasy films lalo na sa mga bata at drama naman para sa may edad na.

At marami na kasing BL movies or series na libreng napapanood ngayon sa YouTube at programa sa telebisyon.

Ang sagot ni Direk Dolly Dulu, “I think, wala pang movie na inilalabas talaga sa YouTube, correct me if I’m wrong. Coming of age na BL series sa stars na nailabas na Pinoy, so far ay wala pa.”

Nabanggit ang pelikulang “Boyette: Not A Girl Yet” ni Zaijian Jaranilla na kasalukuyang napapanood ngayon sa KTXT.ph na idinirek ni Jumbo Albano.

“I don’t think ‘Boyette’ is a BL movie, hindi yata nila nile-label ang sarili nila na BL. Romantic comedy movie, I think this is (The Boy Foretold by the Stars) the first na mailalabas sa Pilipinas.

“Tapos, iba po kasi ‘yung storytelling when it comes to watching a series compared to watching a movie. Kasi ang movie mapapanood mo siya in one seating lang, so ‘yun yung difference, ibang experience ‘yung mapapanood ninyo ito compared kapag nanood kayo ng series.

“At the same time, ipagyayabang ko na rin po ‘yung na sinyut namin in line na mapapanood sa mga teatro na ganu’n din ang pagka-mount ng materyal na it was meant for the big screen compared to when you’re shooting something sa series.

“So ‘yun ang selling point, ‘yung mounting, ‘yung quality, visually pampelikula, and I think the story is worth the 250 pesos,” pahayag ng direktor.

Isang linggo bago ang COVID-19 pandemic lockdown natapos nila ang pelikula kaya maganda ang kinalabasan dahil maraming big scenes dahil wala pang social distancing at paggamit ng face mask at face shield.

Isa ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa producer ng “The Boy Foretold by the Stars” in partnership with Clever Minds at ang pinakadahilan nito kaya siya nag-produce ay para makapagbigay ng trabaho sa mga taga-industriya.

Dagdag ni MJ Felipe na host ng zoom presscon ay tinawagan niya si Jodi at binati niya dahil nakapasok sa MMFF 2020 ang pelikula nina Adrian Lindayag at Keann Johnson.

Kuwento ni MJ, “Actually, I messaged Jodi right after the announcement of the film festival, sabi ko, ‘congratulations, girl producer ka pala nito, parang sinasabi niya na, nu’ng sinabi mo (direk Dolly) na meron kang concept o istorya at binasa raw niya, she (Jodi) immediately believe in the project in the story.

“Kaya sumugal siya at ganu’n niya kamahal ang pelikula. Kasi tinanong ko rin siya na ‘grabe, Jodi, first BL movie na Pinoy tapos ibinigay ninyo sa isang LGBT actor.’ Basta ang sabi niya, naniniwala siya sa ‘yo, Dolly.”

Sabi naman ni Direk, “Thank you Ms. Jodi, actually parati kong sinasabi sa kanya na angel ko siya the whole thing, during this pandemic kasi hindi umere ‘yung Cine Filipino, so alam niya yung depression I went through and siya rin ‘yung nagsabi ng, ‘hindi Dolly, may kalalagyan ‘yang film mo kaya naniwala ako.

“At lagi niyang sinasabi na, the pandemic was not a dead end rather it was a re-direction to something greater,” kuwento ni direk Dolly.

Anyway, mapapanood ang “The Boy Foretold By The Stars” worldwide sa pamamagitan ng Globe via UPSTREAM.ph sa halagang P250.

Read more...