Ion muling ibinandera ang feelings kay Vice: Yung moment na ayoko nang matapos! O loko!

MAGTATATLONG taon na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez at marami ang nagsasabi na mukhang natagpuan na nga ng Unkabogable Star ang kanyang “forever.”

Going strong pa rin ang pagsasama ng Kapamilya couple laya naman napakaraming beki ang inggit na inggit kay Vice — as in literal talagang nasa kanya na ang lahat-lahat!

Bukod sa kayamanan at bonggang career, super happy pa siya sa piling ng kanyang boyfriend na buong tapang ding ipinagsisigawan sa buong mundo ang pagmamahal niya kay Vice.

Sa katunayan, muli ngang ibinandera ni Ion sa buong universe kung gaano niya kamahal si Vice Ganda at kung gaano siya ka-proud dito.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ion ang kanilang “holding hands while walking” o HHWW photo ni Vice. Kuha ito noong magbakasyon sila together sa ibang bansa.

Ang caption na inilagay ng Kapamilya actor sa kanyang IG post, “Yung moment na ayoko ng matapos! O loko!”

Nag-comment naman dito si Vice ng, “O loko! Di nyo kaya!” Na nireplayan ni Ion ng, “@praybeytbenjamin di talaga!”

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagsigawan ng binata ang nararamdaman niya para kay Vice. Nito lang nakaraang mga linggo, proud na ibinahagi ni Ion ang feelings niya sa TV host-comedian.

Nag-post siya ng litrato nila ni Vice na may mensahe sa salitang Kapampangan na, “Abee ko KALUGURAN ke ini babatak!” Na ang ibig sabihin ay “Kaibigan ko, mahal ko to sobra!”

Last Oct. 25, nag-celebrate ng kanilang second anniversary ang magdyowa sa isang theme park sa Laguna. Napaiyak pa nga si Ion nang mapanood ang music video ng kanta ni Vice para sa kanya, ang “Mahal Ako Ng Mahal Ko.”

“Ang pinakamasaya sa akin na nangyari ay nagdesisyon tayo na panindigan ito kahit hindi naman tayo sigurado kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao.

“Kasi maraming beses na iniisip ko ang magiging reaksiyon ng mga tao. At dahil iniisip ko ‘yon ay huwag na lang kasi natatakot ako.

“Dumating tayo sa point na wala na tayong pakialam kung ano ang reaksiyon niyo bahala na kayo basta tayo itutuloy natin ito, kasi ito ang gusto natin,” bahagi ng  anniversary message ni Vice kay Ion.

“Napakapalad ko na ‘yung ininanda mo at nalampasan mo ‘yon, na hindi ka nasira nang mga pananakit na ginawa nila sa iyo. Maraming beses in the past mayroon akong mahal pero wala silang sapat na lakas at tapang na panindigan.

“Makita lang na kasama, takot na takot. Makitang nakahawak, takot na takot. ‘Yung iba nga makita lang na kasama ako, takot na sila, lalo pa kaya kung minahal nila ako.

“Kung takot silang makitang kasama ako, mas takot silang mahalin ako. Natatakot silang mahalin ako kasi alam nila huhusgahan sila, ayaw nila. Isa-isa nila akong tinatalikuran pero ikaw ang lakas mo lang talaga.

“Sobrang lakas mo at kahit mga kaibigan ko ay hangang-hanga sa iyo. Sabi, ang tatag ni Ion. Grabe ang heart at grabe ang love. Thank you,” pahayag pa ni Vice.

Read more...