Jake Ejercito super lambot ng katawan; Piolo nag-ala Inigo Pascual

MABUTI na lang at nakilala at nakausap na namin si Jake Ejercito, ang tatay ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Sigurado kaming barakung-barako ang binatang ama dahil kung ibabase lang namin sa pagsasayaw niya sa production number kasama si Donny Pangilinan at iba pa sa “Sunday Noontime Live” ng TV5 ay baka iba ang isipin namin.

Sa grupo nila ay siya ang pinakamalambot ang katawan at ang facial expression niya ay bigay na bigay kaya nakakaaliw talaga siyang panoorin.

Isa pang gustung-gusto namin ay ang 8-minute opening number ni Piolo Pascual na kinanta ang original song ng anak na si Inigo Pascual na “Dahil sa ‘Yo” at in fairness, hawig ang boses nila, huh?

Anyway, kasama ni Piolo sina Donny at Jake sa show, na sa totoo lang ay para rin kaming nanonood ng “ASAP” dahil halos pareho ang feel ng magkatapat na programa.

Si Mr. Johnny Manahan ang direktor ng “SNL”  na dating direktor ng “ASAP” sa ABS-CBN, idagdag pa ang ilang production staff ng TV5 Sunday show na dati ring nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Mahusay palang sumayaw si Kris Bernal sa awiting “Tagpuan”, kaya pala sabi niya noong solo virtual presscon niya na masaya siya at nabigyan ng pagkakataong makasayaw sa “Sunday Noontime Live”.

At ang panghuli siyempre ay ang Queen of the Dance Floor na si Maja Salvador kasama ang iba pang dancers at wala naman kaming masabi sa kanya pagdating sa sayawan. At dahil nasa TV5 na siya kaya ang titulong ibinigay sa kanya ay ibinigay na sa kaibigan niyang si Kim Chiu sa “ASAP.”

Hindi talaga maiiwasang hindi ikumpara ang “ASAP” sa “Sunday Noontime Live” dahil halos pareho sila ng segment at kahit hindi singers ang ibang artists sa “SNL” ay hindi naman sila nagpapahuli.

Ang “Sunday Noontime Live” ay produced ng Brightlight Productions at Cornerstone Studios.

Pansin lang namin na kulang sa promo ang mga programa ng TV5, kaya nasasayangan kami dahil magaganda at puwede talagang makipagsabayan sa mga programa ng ABS-CBN at GMA 7.

Read more...