Coney Reyes ibinandera ang ‘People of the Year’ award ni Vico: I’m so proud of you!

 

PROUD na proud ang award-winning veteran actress na si Coney Reyes sa bagong achievement ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ibinandera ng dating TV host sa buong universe sa pamamagitan ng kanyang social media account ang pagsaludo sa kanyang anak na alkalde matapos mapasama sa listahan ng People Asia’s People of the Year.

“Healing the world by serving others. From battling the pandemic to uplifting others in the face of calamities, to bringing opportunities to countless Filipinos in search for greener pastures, these ‘People of the Year’ awardees continue to spread a contagion of hope,” bahagi ng statement ng People Asia na naka-post sa kanilang social media page.

Ni-repost ni Coney sa Instagram ang litrato ni Vico na nasa cover ng nasabing lifestyle magazine at nilagyan ng caption na, “Congratulations, son! I’m so proud of you!”

Tinag pa niya ang anak gamit ang mga hashtag na #PeopleAsia, #ThankYouLord at #GloryToGod. Ni-like at pinusuan naman ng napakaraming netizens ang IG post ni Coney Reyes at umani rin ng sandamakmak na positibong comments.

“Blessings and prayers, Mayor Vico! May God grant you good health, protection, joy and wisdom and glorify God as you continue to serve!”

“Congratulations Mayor @vicosotto I can feel how proud your mother for having a great son like you. May God continually guide and give you wisdom in your service to your constituents!”

“Wow! International figure na kayo, Mayor Vico. Keep up the good work..for God’s glory and honor! Glory to God alone!”

Ilan lang yan sa mga comments ng netizens sa bagong pagkilalang natanggap ng Vico.

Bukod sa alkalde ng Pasig, kabilang din sa mga People’s Choice Awardee sina  Eric Francia, Dr. Gerardo “Gap” Legaspi, Ana Marie Pamintuan, Cavite Governor Jonvic Remulla, Chaye Cabal-Revilla, Cesar Romero, Rep. Mikee Romero at Tommanny Tan.

Binigyan din ng special awards sina Trade and Industry Sec. Ramon Lopez at Vice President Leni Robredo.

Read more...