Sa wakas, Sandara nakatikim na uli ng sisig, kangkong, Pinoy beer; hinamon ng inuman

FINALLY, nakakain na ang K-pop star at aktres na si Sandara Park ng ilan sa mga paborito niyang Filipino food na matagal na niyang hindi natitikman.

Tuwang-tuwa ang Korean actress-singer nang makakita siya ng isang restaurant sa South Korea na may ino-offer na mga pagkaing Pinoy.

Maligayang ibinalita ni Sandara sa kanyang Twitter page na nakabili siya ng sisig at garlic rice with matching Red Horse beer.

Tweet ni Dara, “Sisig & kang kong & garlic rice & r*d h**se! Ang dinner ko ngayon~ ang sarap.

“May nahanap akong masarap na Pinoy resto sa Seoul. Super happy ako,” dagdag pa ng Korean star sa caption ng litratong ipinost niya sa Twitter.

Sandamakmak na comments at nakakaaliw na reaksyon naman ang natanggap ng post ni Sandara na dating member ng sikat na all-girl group na 2NE1.

May mga netizens pa nga na nagyaya sa kanya ng inuman dahil nga sa local beer na ipinost niya. Game raw silang makipaglasingan sa sikat na Korean star.

                          * * *

Hindi raw maiwasan ng StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava ang kabahan tuwing makakaeksena niya ang mga iniidolong artista sa upcoming GMA series na “Legal Wives.”

Sasabak na si Shayne sa kauna-unahan niyang teleserye role at makakasama niya rito sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali, at ang naging judge niya sa artista search na si Cherie Gil pati na rin ang ka-batch niyang si Abdul Raman.

Sumabak na sila lock-in taping kamakailan at ibinahagi nga ni Shayne na pinaghahandaan niya talaga ang magiging karakter sa istorya.

“Ang dami pong veteran actors and actresses. Sina Ms. Alice, Ms. Cherie, Ms. Irma, so, nakakakaba po sa part ko pero effort lang po talaga and sipag po sa pagbabasa ng script at sa pag-aaral kung ano ‘yung dapat,” lahad ng Kapuso youngstar.

Abangan ang “Legal Wives” soon sa GMA 7.

Read more...