Socmed nabulabog sa ‘12.12.20’ paandar nina Luis at Jessy; Ate Vi nag-react

GUMAWA na naman ng ingay sa social media ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis matapos kumalat ang magkapareho nilang post sa Instagram.
Ang tanong ng madlang pipol: magpapakasal na nga ba ang dalawa? Totoo nga kayang engaged na sila?

Isang short video teaser ang ibinahagi nina Luis at Jessy sa kani-kanilang IG account kung saan makikita ang petsang “12.12.20” o December 12, 2020 na nakasulat sa white sand.

Unti-unti itong nabura sa buhanginan dahil sa alon na napalitan ng puting imahe ng nasabi ring mga numero: “12.12.20.”

Pareho nila itong nilagyan ng caption gamit ang hashtag #TheHowHows — kanilang term of endearment bilang magdyowa with red heart emoji.

So, ano nga ba ang magiging pasabog nina Luis at Jessy bukas, Sabado? May big announcement nga kayang gagawin ang dalawa?

May mga netizens ang nagsabi na para lang daw ito sa magaganap na bonggang sale bukas ng mga online shopping websites kaya huwag na raw umasa na may kinalaman ito sa relasyon ng celebrity couple.

Sey naman ng ilang followers nina Jessy at Luis, promo lang daw ito para sa isang endorsement ng TV host-comedian. Pero para sa iba, baka ito na raw ang announcement para sa engagement ng magkasintahan.

Samantala, mas uminit pa ang usapin nang mismong si Vilma Santos na nanay ni Luis ang nagkomento sa post ng dalawa.

Wala mang sinabi ang kongresista ng 6th District ng Batangas sa teaser video ng anak, mas makahulugan ang tatlong emoji na ginamit niya bilang komento: thumbs up, praying hands at red heart emojis na may sandamakmak na punctuation marks.

Ayon sa mga nakakita ng post ni Ate Vi, mukhang may kinalaman nga sa relasyon nina Jessy at Luis ang kanilang patikim na paandar sa Instagram. Feeling nila, may bonggang annoucement talaga ang magdyowa bukas na siguradong ikatutuwa ng kanilang mga pamilya at kaibigan.

Kung matatandaan, kumalat ang chika na engaged na sina Luis at Jessy nang ibandera ng huli ang suot na diamond ring  sa isa niyang Instagram Story.

Hindi naman nagdenay o umamin ang TV host-comedian at ang aktres tungkol dito.

Read more...