Kilalang aktres biglang nagka-COVID matapos mag-nega sa swab test; 5 prod staff nahawa rin


HINDI natuloy ang first shooting day ng kilalang aktres sa bago niyang pelikula dahil nag-positibo siya sa COVID-19 kaya lukang-luka ang lahat ng involved sa produksyon.

Ang tanong ng kanyang mga kasamahan sa proyekto, kanino o saan nahawa ang aktres samantalang negative naman siya sa swab test.

“Nagtataka kung paano at saan kaya nakuha ni _____ (kilalang aktres) ang virus. Kasi sabay-sabay naman silang pina-swab test lahat at negatibo naman and the following day larga na sa location,” simulang kuwento ng aming source.

“Pagdating sa location nakaramdam na siya ng mga sintomas, tapos swab test kaagad, hayun positive!  Kaya nagtatanungan ang lahay, saan niya nakuha o kanino siya nahawa?” kuwento pa ng aming source.

Wala pang 24 oras ang nakalipas matapos magpa-swab test ang kilalang aktres bago pumunta ng shoot kaya paano nga naman siya naging positive?

Napag-alamang wala ring kasama sa bahay ang kilalang aktres dahil ang tagalinis niya ng bahay ay every two weeks naman kung pumunta.

Duda ng source namin, “Baka naman may dinaanan after ng swab test like grocery, namili ng mga babaunin niya sa lock-in taping o baka tumanggap ng bisita sa bahay.”

At ang bilis talagang makahawa ng COVID-19 dahil ang balita namin may limang taong nag-positibo rin sa production considering na hindi na nga sila natuloy.

Nahawaan kaya sila ng kilalang aktres? “Posible,” sambit ng aming kausap.

Sinilip namin ang social media account ng kilalang aktres at in fairness, hindi halatang positive siya sa COVID-19 dahil ang gaganda pa rin ng mga litrato niya.
Ang sabi lang niya sa kanyang caption, may panahon na raw siyang ayusin ang bahay niya.

Read more...