Sila na hindi kailangang udyukan

PHYSICALLY, it may not be a gathering of a million in Luneta yesterday. Bigger crowds have gathered in the very same location in the past, for a different reason, for a different purpose. But what may be wanting in the targeted number of people is exceeded by the reality that majority of those who came really did march to Luneta to express their outrage on the intensity and magnitude of corruption in government as revealed by the P10-billion pork barrel exposed by the Inquirer.

Ang katapatan ng layunin ng karamihan sa nagtungo sa Luneta sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay hindi matatawaran. Sa sukatan ng kabayanihan, ang bawat isang naroon, anumang antas nila sa lipunan mayaman, mahirap, may hanapbuhay o wala, may pinag-aralan man o wala, anumang antas ng katapatan at pagmamahal sa bayan, ay tunay na maituturing na mga bayani.

Ang pagkilos ay isang panibagong uri nang pagpapakita ng tinig ng mamamayan na dapat pakinggan ng mga namumuno sa bayan. Oo may mga nakalusot – mga pulitiko, dating pulitiko, nagbabalak na maging pulitiko, mga grupong lantad ang kulay, may pula, dilaw, at kung anu-ano pang kulay na nakilahok, nakihalo, nakisalamuha sa pag-aakalang kayang takpan ng karamihan ang kanilang pansariling layunin kung bakit sila naroon.

Ngunit kaunti lamang sila. Mas higit na nakararami ang naroon na ang nais ay maisatinig ang tunay na labang pinapanigan ng mamamayan. Walang iba kundi ang laban sa talamak na katiwalian sa pamahalaan.

Ahhh, at naroon, nagpakita si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Matapang nga itong si Corona.

Hindi ako naniniwalang hindi niya nakita na hahantong sa puntong siya ay sisigawan, ipagtatabuyan, pagsasalitaan ng masama ng ilang grupo at inidibidwal.

Alam niya iyon at hindi na kailangang may magpayo pa sa kanya ng mga maaaring mangyari laban sa kanya sa pagdalo sa martsa at pagtitipon na ang pangunahing layunin ay ang labanan ang isang talamak at bulok na sistema.

It maybe a calculated risk on his part.
Ininda niya na siya ay masigawan dahil marahil sa ganang kanya, ang mensahe ng kanyang pagtungo ay para ipakitang ang Kongreso na siyang humatol sa kanya ay isang institusyong naglaho na ang integridad sa mata ng publiko.

Tama siya sa puntong iyon.
Ngunit hindi na kailangang siya pa ang magbigay diin sa katotohanang iyon. Sapat na ang paghuhumiyaw ng taumbayan.

Minsan, ang tunay na nakabibinging mensahe ay naisisigaw sa katahimikan. Had he chosen to remain silent and eluded the lure of public attention, his message would have come across louder and clearer.

May mga tao talagang hindi makapaghintay na kasaysayan na ang humusga sa kanila. Sa mga indibidwal at mga grupong nagtungo sa Luneta, isang bagay ang kanilang napatunayan: Hindi nila kailangan na may mag-udyok pa sa kanila, hindi na kailangan ang may magsiga pa ng apoy.

Napatunayan ng marami na sa sama-samang tinig, magkakaroon ng kabuluhan ang isang pagkilos. May mga katotohanang hindi kayang talikuran. At tunay na pagbabago ang katotohanang isinisigaw ngayon ng sambayanan.

Para sa komento at tanong i-text ang pangalan, edad, lugar, at mensahe sa 09178052374.

READ NEXT
Linya ng bata
Read more...