NAIS ng Kapuso star at “Love of my Life” actress na si Carla Abellana na makapaghatid ng tulong hindi lang sa mga kababayan nating nangangailangan kundi pati na rin sa stray animals.
Kilala si Carla sa kanyang pagiging dog lover at animals welfare advocate at dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, maglulunsad siya ng isang feeding program para sa mga ito ngayong Dec. 21 hanggang Dec. 28.
Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram post, “Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too. Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a clean and decent meal.
“Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a CLEAN & DECENT MEAL.
“We are hoping that you can help him make this possible for them,” aniya pa. Ilan daw sa mga kakailangan nila sa feeding program ay ang dog food, rice, chicken liver, ground pork, hotdog, veggies, paper plates.
Samantala, abala pa rin ang aktres sa lock-in taping ng primetime series na “Love of my Life” na malapit nang bumalik sa GMA Telebabad!
* * *
Sa teaser na ipinost ng GMA Drama kahapon, mapapanood ang Kapuso actor-host na si Ken Chan na in-character habang tila nakikipag-away sa kanyang asawa matapos siyang mahuli na may kabit.
Patikim lang ito sa role na gagampanan niya sa upcoming series na “Ang Dalawang Ikaw,” kung saan muli niyang makakatambal si Rita Daniela.
Makikitang agresibo si Ken sa nasabing video, habang ipinakikita ang mga sintomas ng pagkakaroon ng split personality. Sa serye, magkakaroon ng dalawang katauhan si Ken — bilang sina Nelson at si Tyler — sanhi ng kanyang mental illness na dissociative identity disorder.
Samantala, sa panayam ng GMA, ibinalita ng binata na malapit nang magbukas at mag-operate ang kanyang mahigit anim na gasoline stations.
Sa Dec.18 na ang grand opening ng kanyang gasoline business at sabi ni Ken, isa ito sa mga childhood dream niya, “Bata pa lang ako, dream ko na magkaroon ng gasoline station. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam na mararating ko siya kaya thank you, Lord.”
“Habang nandito kami sa showbiz, meron tayong mga ginagawang business na kailangan talaga because maraming pina-realize sa atin ang 2020 at isa na rito ‘yung mag-ipon, magtipid, at magkaroon ng business,” dagdag pa ni Ken.