Kristine buntis sa ika-5 anak nila ni Oyo: Nag-positive! Grabe ka Lord!

BUNTIS uli ang aktres na si Kristine Hermosa sa ikalimang anak nila ng asawang si Oyo Sotto.

Excited na ibinahagi ni Kristine sa publiko sa pamamagitan ng Instagram ang good news at early Christmas gift na natanggap nila ng kanyang mister.

Ipinost ni Tintin ang litrato ng kanyang pregnancy test kit kung saan makikita nga ang positive result nito pati na ang isang maikling video clip ng kanyang sonogram.

“Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon,” simulang pahayag ng misis ni Oyo.

“Thank you Lord for sustaining us this entire year… pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God.

“Kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin,” bahagi pa ng caption ni Kristine sa kanyang IG post.

Todo naman ang pasasalamat ni Oyo sa Diyos sa bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya, “Nag-POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka

Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan. God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever.”

Noong 2011, ipinanganak ni Tin ang panganay nila ni Oyo na si Ondrea Bliss. Kasunod nito, dumating sa buhay nila ang kanilang adopted son na si Kristian Daniel.

Pagsapit ng 2014, isinalang naman ni Kristine ang ikaliwa nilang biological child na si Kaleb Hanns at taong 2016 nang ipanganak naman ng aktres ang  ikaapat nilang anak na si Vin.

Samantala, hiling nina Oyo at Kristine na babae sana uli ang maging next baby nila dahil ito raw ang dasal ng anak nilang babae na si Ondrea Bliss.

Read more...