Angeline sa epal na basher: Kung ipagawa ko man buong katawan ko, hindi yun makakaapekto sa buhay mo

HINDI pinalampas ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang pang-iinsulto sa kanya ng isang netizen patungkol sa kanyang mukha.

Nag-post kasi ang dalaga ng kanyang close up photo sa Instagram at karamihan nga sa mga nagkomento ay gandang-ganda sa kanya.

Pero may isa siyang IG follower na nagsabing parang nasobrahan na yata ang pagpaparetoke niya dahil ibang-iba na ang kanyang itsura.

Ang ginawa ng IG user ay tinag ang isang supporter ni Angeline na nag-post ng limang red heart emojis sa litrato ng singer at nag-comment ng, “Nasobrahan yata pagawa.”

Narito naman ang reply ng dalaga sa kanya, “Kung ipagawa ko man buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mu.

“Much better kung buhay mu nalang ang unahin at pagkaabalahan mu. Loveyou babe. [red heart emoji],” dugtong pang sagot ni Angeline.

Kinuyog naman ng fans and followers ng dalaga ang nasabing netizen, anila wala lang daw itong magawa sa buhay kaya puro pangnenega sa kapwa ang inaatupag.

Tinawag din nilang “inggitera” at “insecure” ang basher ni Angeline kaya dapat lang itong basagin at resbakan ng dalaga. Pasalamat pa nga raw ito dahil hindi siya binasag nang bonggang-bongga ng dalaga.

Sa huli, hindi rin nakatiis si Angeline nang mabasa ang pagsasagutan ng kanyang IG followers, nakiusap ito na huwag nang mag-away-away.

“I love you guys [two red hearts, four praying hands emojis] magagalit ang mama bob kung puro hate tayo.

“Hindi yan ang itinuro niya sa akin. [one praying hand, five red heart emojis],” aniya pa na ang tinutukoy ay ang kanyang yumaong ina na si Sylvia Quinto o Mama Bob.

Kung matatandaan, inamin ni Angeline na ilang beses na siyang nagparetoke at hindi niya ito ikinahihiya.

Ilan sa mga ginawa sa kanya ay ang “eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage” at “breast reduction.” Bukod dito, nagpa-inject din siya ng glutathione para mapanatili ang maputi at makinis niyang skin.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba.

“Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi. Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e.

“Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho. #RetokePaMore,” pahayag pa ni Angeline.

Read more...