SA trailer pa lang ng “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” ay kitang-kita na puro adventures ang pinasukan ng character ni Vhong Navarro.
“Sa Bulacan, doon kami nag-shoot. Pinuntahan namin mismo ‘yung unang bahay ni Mang Kepweng kung saan si the late Chiquito ay nag-shoot.
“Parang in-establish namin ‘yung kuwento noon, idinugtong namin sa part one. Dito po sa part two ay mas naging maaksyon, mas naging ma-adventure, ang daming nakita.
“Kumbaga, dito ko ibinalik ang mga kapre, mga sirena, manananggal na na-encoutner ni Mang Kepweng na naging tradisyon din natin.
“Lumalabas sila kapag araw ng Halloween, kapag araw ng patay. Lumalabas ang mga kababalaghan na may nakikita tayo,” kuwento ni Vhong sa online presscon ng movie.
Bakit ginawan ng sequel ang pelikula? “Sobrang natuwa po ang Cineko Productions kaya gumawa sila ng part 2.
“Ang baby daw po nila sa pagpo-produce ay Mang Kepweng. Mula noon, pina-promise nila sa akin na gagawan ng part 2,” paliwanag niya.
Feeling ba ni Vhong may naniniwala pa ngayon sa albularyo? “Parang hindi naman masama kung maniwala, eh. Kailangan talaga natin ng hope lalo na sa pinagdadaanan natin ngayon.
“Kaya ang mga frontliners ay nagtutulong-tulong para makagaan o makatulong sa ating mga kababayan na pinagdadaanan nga itong pandemic.
“Siyempre ang albularyo, matagal na iyang nandiyan, hindi siya nawawala sa mga probinsiya, sa mga lugar kung saan kapag hindi na nila kaya ang budget o wala silang pera, ang takbuhan ng mga tao ‘di ba, sa albularyo.
“Kumbaga, paniniwala po talaga iyon, eh. Kung may faith ka, gagaling ka, eh,” say ng comedian.
Ka-join sa cast ng “Mang Kepweng” part 2 sina Barbie Imperial, Joross Gamboa, Ryan Bang, Ion Perez, Jaclyn Jose at marami pang iba, directed by Topel Lee.