BONGGA pala talaga ang 2020 Metro Manila Film Festival entry na “Suarez: The Healing Priest” dahil bukod sa bidang si John Arcilla, mahigit 50 artista pa ang makakasama niya sa pelikula.
Mapapanood na ito simula sa Dec. 25 ang “Suarez: The Healing Priest” kung saan gaganap nga ang award-winning actor na si John bilang si Fr. Fernando Suarez.
Ito’y mula sa Saranggola Media Productions at idinirek ni Joven Tan na isa sa 10 napiling entry sa first ever virtual MMFF na mapapanood via UPSTREAM.ph.
Ayon kay John, ang “Suarez: The Healing Priest” ay talagang napapanahong palabas para sa lahat ng Filipino all over the world lalo pa’t patuloy tayong nakikipaglaban sa pandemya at iba pang kalamidad sa bansa.
It’s a motion picture experience that will make you reflect on compassion, faith, healing, miracles and relationship with our fellow men and to our God. The movie tells us all that God heals.
Ipakikita rin dito ang tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest, kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.
Ang “Suarez: The Healing Priest” ay isa ring “casting coup” dahil bukod kay John ay 52 artista pa ang kasama sa pelikula. Nandiyan sina Gina Pareno, Jin Macapagal (as young Fr. Suarez), Marlo Mortel, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Lui Manansala, Troy Montero, Marissa Sanchez, Rubi Rubi, Christian Vasquez, Dante Rivero.
Kasama rin sa cast sina Alice Dixson, Ynigo Delen, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Charles Kieron, Pam Gonzales, Althea Pinzon, Zeus Collins, Glenda Garcia, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Janna Trias, Tom Doromal, Willsen Estabilo, Perla Bautista at Bobby Andrews.
Nandiyan din sina Zeppi Borromeo, Joe Vargas, Jay Dizon, Alora Sasam, Andrea del Rosario, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Leo Martinez, Jon Achaval, Jairus Aquino, Alan Paule, Ahwel Paz, Maru Delgado, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Rosanna Roces, Meggie Cobbarubias, Simon Ibarra, Dennis Padilla, Tess Antonio, Buboy Villar, Archie Adamos at Gerald Ejercito.
Samantala, hindi na natuloy ang paglipad at pagbabakasyon sana ni John Arcilla na naka-schedule dapat nitong second week ng December.
Mas inuna ng aktor ang promo ng kanyang latest film kesa ang magpahinga mula sa kanyang hectic schedules sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Gusto ring masigurado ni John na maipo-promote nang todo ang pinagbibidahan niyang pelikula na tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest.
“I want to help my producer and director para mas maging aware ang mga tao na may ganitong pelikula sa MMFF. Yang pahinga at bakasyon puwede ko namang gawin yan sa ibang panahon,” pahayag pa mg magaling na aktor.
Naikuwento rin ni John sa mediacon ng pelikula na ginanap kaninang tanghali na balak na raw sana niyang umatras sa proyektong ito pero bigla siyang may na-realize na nagpatibay sa kanyang loob para isapelikula ang life story ni Fr. Suarez.
But that’s another story to tell.