True ba, Cristine ipinagdadamot daw ang anak kay Ali Khatibi?

HINDI ba ipinapahiram ni Cristine Reyes ang anak niyang si Amarah sa tatay nitong si Ali Khatibi?

Nag-post kasi ang dating asawa ng aktres sa kanyang Instagram stories ng larawan nila ni Amara noong 2016 na magkasama habang nagpapa-facial siyang nakahiga at nakaupo naman sa tiyan niya ang bata.

Base sa larawan, may nakalagay ditong “daddy’s little girl memories December 9, 2016” at “I miss you so much Amarah!!”

Kaya marami ang nagtanong na netizens kung hindi ba ito ipinapakita ni Cristine sa ama ang anak nila, may nasabi ring “huwag ipagdamot” pero ipinagtanggol naman din ang aktres na huwag i-judge si AA (tawag kay Cristine) dahil wala namang may alam sa buong pangyayari.

Anyway, nagkaroon ng kanya-kanyang kuru-kuro ang mga netizens tungkol sa hindi pagpapahiram ni Cristine kay Amarah kay Ali.

“Hindi ka naman kasi nagpo-provide ata. Dapat nga Hindi na lumalabas ‘yang asawa mo sa TV dahil Kasal na kayo at Asawa mo na! (Matthew 5:27-30) Dapat magkasya at makuntento si Klenk sa provisions mo!”

Pero hindi sang-ayon ang netizens sa sinabing hindi na dapat lumalabas si Cristine, “Gurl what type of thinking is that. Napaka-close minded mo!  Sa hirap ng buhay ngayon, you still confined on that thinking – na dapat ang asawang babae ay hndi nagwo-work!! Gosh!”

“What in the Jurassic era are you from? Eh pano kung si Cristine ang gustong magtrabaho, so bawal?”

“Girl go back to your kweba. Kaya nasisira ‘yung mga religion dahil sa katulad mo. Follow mo ‘yan kung paniniwala mo ‘yan but don’t insist it on other people’s lives lalo na wala naman silang natatapakang iba.”

“Hindi naman ata ipinagdamot but Cristine said kahit piso hindi daw ng susuporta.”

“So, hindi pala sila co-parenting? Sobrang lala ba ng kasalanan ni guy?”

May nagpayo naman sa aktres na dapat ipakita o makasama man lang ni Amarah ng tatay niya.

“Cristine, I’m sure your daughter misses her father too! Pls don’t deny her the love the father can give to his child and no matter your personal grievances, the father has the right to see his daughter kawawa lagi ang mga anak pag naghiwalay ang parents.”

“Typical story ng Pinoy na broken family, hindi pinapakita ng nanay ang anak dahil walang sustento then pag malaki na ang anak, sisihin ang tatay then the kid gets messed up in the head.

“I am a divorcee and I try as much as I can to have an amicable relationship with my ex for the sake of our children, hard at times but I see how the children benefit from having two parents who are actively part of their lives.”

“Di ko maintindihan na pag walang sustento hindi ipapakita yung anak. Kailangan may bayad? Siguro uso ‘yan sa may pera kasi kung mahirap ka lang may pera man o wala, kung mahal ka ng magulang mo, mahal ka.”

“Responsible parenthood ang pagbibigay ng financial support sa bata regardless kung magkasundo sila mag-asawa o hindi. You need to provide for the needs of your growing child even if you are not physically present kasi even if the mother is capable, still, responsableng ama ka if you provide child support. If he cannot provide, how can you say he is a good father? Mukhang capable naman siya magbigay kahit sa mga most basic needs ng bata. If financial support is their issue.”

At dito naikumpara si Cristine sa ate Ara Mina niya na kahit hiwalay na sila ng tatay ng anak niyang si dating Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ay pareho nilang itinataguyod ang kanilang anak.

“Mabuti pa si Ara at Patrick, kahit hindi kinasal ay co-parenting.”

Bukas ang BANDERA para sa paliwanag nina Cristine at Ali hinggil sa isyung ito.

Read more...