GRABE pala talaga ang angking katapangan ng celebrity kid na si Scarlet Snow Belo.
Imagine, kung ang karamihan sa atin ay takot na takot makakita at humawak ng ahas, si Scarlet naman ay ginawa pa itong pet.
Sa isang video clip na naka-post sa Instagram account ng anak nina Vicki Belo at Hayden Kho, makikita ang bata na hawak ang isang phyton na kulay gold.
Ipinakilala niya ito sa kanyang IG followers na pinangalanan niyang Louis Vuitton. Ayon sa bagets, limang buwan pa lang daw ang baby phyton na nasa kamay niya.
“Hi, everyone! This is Louis Vuitton, which is actually Louis. He’s a python and he’s only five months old,” sey ng cute na cute na si Scarlet.
“He’s not a toy, okay?! I know pythons are big, but this one’s a baby. That’s why. He’s only five months old, c’mmon!” dagdag pa niya.
Ni-like at pinusuan ng maraming netizens ang post ni Scarlet kasabay ng mga mensahe ng paghanga sa tapang ng bata na mag-alaga at humawak ng ahas.
Sabi pa nga ng isang netizen, “Hashtag sana all! Ibang klaseng bata. Ako kasi ni makakita lang ng ahas ayoko.
Talagang kinikilabutan ako! Tapos si Scarlet nag-alaga pa! Hahahaha! Hiyang hiya naman ako!”
Bukod kay Louis Vuitton, may iba pang alagang hayop si Scarlet — ang Schnauzer na si Skye, isang rabbit na pinangalanan niyang Sarah, ang pagong na si Tortie at ang Golden Retriever niyang si T.S. or Twilight Sparkle.
* * *
Tulad ni Scarlet Snow, pinusuan din ng ilang celebrities at fans ni Jennylyn Mercado ang ilang photos nila ng anak niyang si Alex Jazz.
Ipinost ng Kapuso Ultimate Star ang bonding moments nila ni Jazz sa Instagram na may caption, “My favorite pillow.”
Maraming nagulat na binatang-binata na si Jazz sa edad na 12 at kamukhang-kamukha nga raw ito ni Jennylyn.
Sey pa ng isang netizen, pasadung-pasado raw ang bagets na maging future matinee idol tulad ng tatay nitong si Patrick Garcia.
Comment ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez, “Grabe hawig na hawig mo!”
Sey naman ng TV host-actress na si Camille Prats, “Grabe he’s binata naaaaaa!!!!”