TOM CRUISE bumilib sa pelikula nina PIOLO at GERALD, gagawa ng HOLLYWOOD version

NAKAPAGTATAKA kung bakit hindi inamin ni Piolo Pascual na isa siya sa producer ng “Kimmy Dora Quantum of Kyeme” (part 3) gayung part owner siya ng Spring Films at hindi lang incorporator kasama sina Erikson Raymundo, Shane Sarte at Binibining Joyce Bernal.

Ilang beses kasing tinanong ang aktor sa mini-presscon ng “OTJ (On The Job)” noong Linggo kung isa siya sa producer ng part 3 ng “Kimmy Dora” na pagbibidahan nina Eugene Domingo at Sam Milby at itinanggi niya ito, ang sabi lang niya ay siya dapat ang leading man ni Uge pero hindi kinaya ng schedule niya dahil may pelikula siyang sinu-shoot kasama si Toni Gonzaga, bukod pa sa sisimulan na rin ang bagon niyang soap drama.

“Spring Films ang producer nito (Kimmy Dora), I’m not part of it,” eksaktong sabi ng aktor. Unless binawi na niya ang share niya bilang incorporator ng Spring Films na hindi pa siguro alam ng mga kasama niya?

Anyway, sa “OTJ” daw interesado noon si Piolo na maging co-producer pero nahuli naman daw siyang magsabi dahil sinolo na ito ng Reality Films sa pangunguna ng direktor na si Erik Matti.

Samantala, masaya si Piolo dahil napansin sa Cannes Festival ang “OTJ” at nabanggit din na interesado ang ilang agency sa ibang bansa na gawin ang pelikula (Hollywood version), “There are some agents in the States interested to make it (remake),” saad ng aktor. “Yung agency ni Tom Cruise ‘yung sinasabi nila,” dagdag ni PJ.

“Since nasama siya sa Cannes, so ang dating is indie film so good thing Star Cinema is into picture so, you know it’s a mainstream film, hindi talaga siya indie para alam din ng tao,” paliwanag ni PJ.

“Maganda po ‘yung twist sa ending ng ‘OTJ’, even for Ge (Gerald), so better watch it. Foreigners nga nagtaka sa ending, sabi nila, why kasi iba talaga,” say pa ng aktor.

At dahil sa word of mouth ng “OTJ” ay talagang papanoorin namin ito sa unang araw pa lang, join ka bossing Ervin? (Aba, why not? Basta ba libre mo, e, with matching popcorn Reggs, ha! And hotdog sandwich. Ha-hahaha! – Ed)

( Photo credit to Google )

Read more...