Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang malaking bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas sa ganap na 10:37 ng gabi nitong Lunes.
Walang naiulat na nasaktan at pinsala sa lindol na may lalim na 77 kilometro at sumentro may 37 kilometro sa kanluran-silangan ng bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
Reported Intensities:
Intensity V – Sorsogon City
Intensity IV – Legazpi City; Virac, Catanduanes; Naga City; Catarman, Northern Samar
Intensity III -Bulusan, and Irosin, Sorsogon; Catbalogan City
Intensity II – Palo, Alangalang, Babatngon, Calubian and Dagami, Leyte
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Legazpi City
Intensity III – Sipocot, Camarines Sur; Borongan City, Eastern Samar; Palo, Leyte; Irosin, Sorsogon
Intensity II – Naval, Biliran; Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity I- Lopez, Quezon; Casiguran, Aurora
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire, isang lugar kung saan ang continental plates ay nagsasalpukan na lumilikha ng madalas paglindol at pagpuptok ng bulkan.