Promise ni Kim sa ABS-CBN: Tinapakan, nadurog…sasamahan kita, hindi ko kayo iiwan

MULING nangako ang tinaguriang Millennium Multimedia Star na si Kim Chiu na kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya iiwan ang ABS-CBN.

Ayon sa dalaga, sasamahan niya ang network sa kahit anong laban at hindi niya kailanman kakalimutan ang lahat ng nagawa sa buhay niya ng Kapamilya network.

Last weekend, pumirma uli ng exclusive contract si Kim sa Star Magic kaya naman napakarami pang sorpresa ang naghihintay para sa kanyang loyal fans kaya naman abang-abang lang kayo riyan.

Sa kanyang Instagram page, muling nagpahayag ng pagmamahal at pasasalamat ang aktres-host sa kanyang mother network.

“12.4.2020 KAPAMILYA! This may be the most memorable contract signing for me. I may be emotional at times whenever this topic is being brought up. I am happy to be here,” sey ni Kim.

Dagdag pa niyang mensahe, “Ang daming nangyari. This year is the most challenging year for all of us, with the pandemic plus what happened to our home, ABS-CBN.

“Ngayong taon pinaka nasugatan, pinaka tinapakan, pinaka nasaktan. Nadurog ang bawat Kapamilya. Kabilang na ako duon.

“No one knows what will happen, pero eto tayo unti unting bumabangon, unti unting nagpapagaling.

“Isang pamilya tayo, sa hirap at ginhawa magtutulungan. Samahan kita, hindi ko kayo iiwan. Salamat sa tiwala na binigay nyo po sa akin. Better days are coming! Manalig lang tayo, hindi niya tayo pababayaan,” pahayag pa ng dalaga.

Sa bandang dulo ng kanyang post, muling nagpasalamat si Kim sa lahat ng walang sawang sumusuporta at nagtatanggol sa kanya laban sa mga bashers.

“To my handler @edith.farinas and to our new head of @starmagicphils @direklauren tatay!!! I’m happy to be under your guidance in the coming days, months, and years to come!

“May this new chapter be filled with love, harmony, light, and happiness. #kapamilya,” aniya pa.

Samantala, bukod kay Kim pumirma rin ng kontrata sa Star Magic sina JM de Guzman, Robi Domingo, Joseph Marco, Enchong Dee, Kira Balinger, Andrea Brillantes at Jane de Leon.

Certified Star Magic talent na rin ang all-girl Pinoy pop group na “Bini” at ang Star Hunt Academy boys.

Read more...