JESSY sa panliligaw ni SAM: Single kami…bakit hindi?

SIMPLE at walang kaarte-arte sa katawan. ‘Yan ang mga nagustuhan ni Sam Milby kay Jessy Mendiola kaya nang makahanap ng pagkakataon ay sinimulan na niya ang panliligaw sa Kapamilya actress.

Inamin na nga ni Sam na nabighani siya sa kagandahan at kasimplehan ni Jessy, sa interview ng The Buzz, sinabi ng aktor na matagal na niyang kilala si Jessy pero hindi pa siya aware sa magagandang katangian nito na nagpatibok sa kanyang puso.

“Nililigawan ko si Jessy. She’s aware. I did let her know my intentions, yes. I like her, she’s beautiful. I like her simplicity. Hindi siya maarte,” sey ni Sam.

Wala ring nakikitang problema ang aktor sa agwat ng edad nila ng aktres, 29 na ang binata at 20 pa lang si Jessy. Pahayag pa ni Sam, sa gitna ng mga pangit na balita tungkol sa babaeng nililigawan, naniniwala siya na kabaligtaran ito ng tunay na pagkatao ng dalaga.

“I think a lot of times she’s misunderstood too. Masyado siyang bata pero she’s mature for her age. I can’t say na I know her that well but the times that I’ve hung out with her have been fun,” anito.

Sa The Buzz nagpadala ng text message si Jessy para sagutin ang pag-amin ni Sam, anito, gusto rin daw niyang makilala nang husto ang aktor, “Single ako at single siya so bakit naman hindi.”

Dagdag pa niya, “Nothing super serious since alam niya priority ko ang career ko. But why not let him get the chance na makilala ako and ganoon din ako sa kanya. Let’s see how it goes na lang.”

Nagkakilala sina Sam at Jessy sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong nakaraang taon.

( Photo credit to Google )

Read more...