Arjo bagay maging leading man ni Jane sa ‘Darna’, pinuri sa ‘MMK’

HINDI pa halos nakakatulog at nakakahinga si Arjo Atayde dahil sa sobrang tuwa nang tanghaling Best Actor sa Asian Academy Creative Awards, heto’t kaliwa’t kanan pa rin ang pagbati sa kanya sa katatapos na “Maalaala Mo Kaya” episode kagabi.

Nakasama ni Arjo sa nasabing episode ang inang si Sylvia Sanchez, Hero Angeles, Rommel Padilla at Jane de Leon mula sa direksyon ni Dado Lumibao.

“Ang husay talaga ni Atayde!” ang nagkakaisang reaksyon ng mga nakapanood ng “MMK” sa karakter niyang Dr. Israel Bactol na namatay sa COVID nitong Marso dahil sa sobrang galing nito isama pa ang aktres na si Jane de Leon na hindi nagpasapaw pagdating sa pag-arte.

Kung wala lang girlfriend si Arjo, puwede siyang itukso kay Jane dahil bagay sila at may chemistry lalo na nu’ng pareho silang naka-uniporme ng pang-dokto.

Ang daming nagsabing, “Bagay sila. Puwede silang love team.” Oo nga, hindi naman halatang 30 years old na ang aktor at 22 anyos lang ang aktres.

Hmmmm, hindi kaya isama si Arjo sa “Darna” TV series ni Jane dahil sa magandang feedback ng manonood sa “MMK” episode nila?

Anyway, kung high na high pa rin ang pakiramdam ni Arjo ay mas lalong overwhelmed ang naramdaman ng nanay niyang si Sylvia na kahit nasa lock-in taping ngayon ay hindi pa rin napigil ang sarili na hindi mag-post ng pagbati at pagmamalaki sa anak sa kanyang social media account.

Ipinost ng aktres ang laging tanong sa kanya ni Arjo nang pasukin nito ang showbiz 19 years ago.

“Sa lahat ng mga tanong mo, pagdadalawang isip at pangamba, ito ang eksaktong sagot anak! Ito ang mundo mo. Dito ka nararapat!

“Super super Proud of you Juan Carlos Campo Atayde! Walang kasing sarap ang naging kapalit ng lahat ng hirap, kabiguan at pasakit sa’yo.

“Abutin mo ang lahat ng gusto mo at dito lang ako, mga kapatid mo at daddy mo na aagapay sa’yo kasama ng mga dasal ng buong pamilya at ng mga taong may tiwala, nagtiwala at nagmamahal s’yo, at salamat sa lahat ng mga nagmahal at nagtiwala sayo.

“Salamat sa pagiging Pag asa, Ligaya at Liwanag naming lahat. Kaka proud ka! A well-earned merit for a gifted performer. You really deserve it ‘nak.

“Embrace it. Own it. Take care of it and Use it but don’t forget to stay humble and always keep your feet on the ground.

“Congratulations, to my Asian Academy Creative Awards Best Actor 2020.

“Arjo Atayde,

“Lov u nak. Have a blessed Sunday.”

At siyempre, hindi rin nagpahuli ang kasintahan ng aktor na si Maine Mendoza na pinost niya ang kanyang pagbati sa aktor, “Waaaaahhhh well-deserved! Wooot wooot congratulations, @AtaydeArjo. Biggest fan!”

Read more...