Ice napanaginipan ang yumaong ama: I can never forget his smile, simple pero iba

ANG isa sa pinakahihintay ni Ice Seguerra matapos pumanaw ang kanyang amang si Decoroso “Dick” Seguerra ay nangyari na.

Ayon sa award-winning OPM singer, napanaginipan na niya sa wakas si Daddy Dick at ibinahagi nga niya ito sa kanyang Instagram account kalakip ang isang litrato nito noong nabubuhay pa.

“I finally dreamt of my dad,” ang simulang kuwento ni Ice.

“Nasa isang town kami, buong pamilya kasama ang mga kamag-anak (pati pets). Sobrang traffic, so, kailangan ko mag-detour sa loob ng simbahan.

“Nagulat pa ako, meron silang malaking lion sa loob ng rectory. Mabait naman yung lion. So nakalabas kami nang buhay. Tapos, papunta kami sa isang outdoor restaurant, nandun mga pamilya, naghihintay,” patuloy pa ng singer-actor.

Aniya pa, “Tapos nakita ko si Pogi (tawag niya kay Daddy Dick). Malusog na siya ulit. Kasama niya ibang mga kapatid niya, tapos kumakanta at nagkukuwentuhan. Namumulutan pa nung isdang niluto ni mama ko. May toyo’t kalamansi pa akong nakita. Siyempre nakikain na rin ako,” lahad pa ni Ice.

“Kumandong pa ako. Ang saya nang kuwentuhan, lahat nagtatawanan. Pansin ko lang, ang daming dogs. Kaya ang saya lalo.

“But at the center of it all, si Pogi. I can never forget his smile, simple pero iba. He looked very happy,” ang dagdag pang pahayag ng asawa ni Liza Dino.

At nagising daw siya nang napakagaan ng feeling, “I don’t know what heaven looks like. But maybe heaven isn’t about clouds and angels.

“It’s about being with people we love, eating our favorite food, doing our favorite thing with our favorite people, surrounded by our pets, and finally being at peace. That’s my kind of heaven and I know my dad is there,” pagpapatuloy pa ni Ice.

Sumakabilang-buhay si Daddy Dick noong Nov. 15 matapos makipaglaban sa prostate cancer.

Read more...